Buti nakabawi! Trak muntik nang bumaliktad sa SLEX matapos magpagewang-gewang

Image capture from Bejerano Elmer Bryan Toti Facebook video
  • Nagpagewang-gewang ang isang trak sa SLEX matapos mawalan ng kontrol
  • Buti na lamang at maagap na nabawi ng drayber ang kontrol ng sasakyan bago pa man may masamang nangyari
  • Marami naman ang humanga sa galing ng drayber habang nagpasalamat ang iba na walang nasaktan sa pangyayari

MAYNILA, Pilipinas – Ang pagmamaneho sa kalsada ay kailangan ng ibayong pag-iingat, konsentrasyon at ‘presence of mind’, ‘ika nga, dahil hindi natin kailanman malalaman ang biglang pagsulpot ng disgrasya.

Image capture from Bejerano Elmer Bryan Toti Facebook video

Tulad na lamang ng nangyari sa isang drayber ng trak na masuwerteng nakaligtas sa isang posibleng malagim na aksidente kung hindi nito nakontrol ang minamanehong sasakyan habang binabaybay ang SLEX kamakailan.

Sa inupload na video sa Facebook ni Bejerano Elmer Bryan Toti, makikitang papalabas na sila papuntang SLEX mula sa isang gasoline station nang mangyari ang insidente at makunan ito ng kanilang dashcam.

Base sa time stamp ng dash cam, nangyari ang insidente noong Huwebes ng hapon, ika-4 ng Hulyo.

Image capture from Bejerano Elmer Bryan Toti Facebook video

Sa naturang video, makikitang parang iniwasan ng trak ang isang kotseng itim na papasok sana sa kaliwang lane kaya ito biglang nawalan ng kontrol habang mabilis ang takbo.

Nagpagewang-gewang ang trak at umangat pa ang gulong nito mula sa kalsada nang ilang beses bago tuluyang nakontrol ng drayber ang sasakyan at ligtas na naitabi sa gilid ng SLEX.

Marami naman ang humanga sa drayber ng trak dahil hindi ito nawala sa konsentrasyon at maagap na nailigtas ang kaniyang sarili at ang iba pang motorista sa posibleng disgrasya.

Karamihan sa mga nakapanood ng video ay nagpasalamat dahil walang nasaktan sa insidente habang ang iba naman ay sinisi ang itim na kotse na iniwasan ng trak dahil sa mistula umanong kapabayaan nito.

I-click ang larawan sa ibaba para mapanood ang video:

Image capture from Bejerano Elmer Bryan Toti Facebook video

Loading…