Voters registration magsisimula na sa Agosto, magparehistro habang maaga pa

Imahe mula sa Affordablecebu.com

Katatapos lamang ng mainit na mid-term elections nitong nakaraang Mayo 13 at higit isang buwan pa lang ay nag-anunsyo na ang Commission on Elections ng pagbubukas ng kanilang opisina para sa voters registration.

Imahe ni Mylce Mella via ABS-CBN

Muling magsisimula ang pagpaparehistro ng mga botante mula sa unang araw ng Agosto hanggang ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan. Ito ay batay sa inilabas na pahayag ng tagapagsalita ng COMELEC na si James Jimenez.

Inaasahan ng COMELEC na aabot sa 2 milyong bagong botante ang magpaparehistro.

Noong Mayo, naitala na may 61,843,771 rehistradong botante ayon sa COMELEC. Kaya papalo na ito sa higit 64 bilyong botante para sa 2020 presidential elections.

Napakahalaga ng paglahok sa eleksyon dahil minsan kada tatlong taon lamang tayo nabibigyan ng direktang pagkakataong pumili ng mga mamumuno sa bansa.

Nakasalalay dito ang magiging kinabukasan nating lahat bilang mamamayan. Kaya dapat magparehistro pagkat tungkulin natin ito. Mas maigi din kung maagang magparehistro at huwag nang hintayin ang huling araw dahil tiyak na aabutin kayo ng siyam-siyam.

Para sa pagpapadali ng pagpaparehistro, basahin sa ibaba ang ilang gabay. Sana makatulong ito!

 Sinu-sino nga ba ang pwedeng magparehistro?

  • Kahit sinong Filipino na hindi pa rehistrado at kwalipikado ay maaaring magparehistro.
  • Sinumang hindi bababa sa edad 18 bago o sa mismong araw ng eleksyon ay pwedeng magparehistro. Nakatira sa Pilipinas ng hindi bababa sa 1 taon at at hindi bababa sa 6 na buwan sa bayan kung saan siya magpaparehistro.
  • Ang mga rehistradong Sangguniang Kabataan na nasa edad 18 ay hindi na kailangang magparehistro pang muli. Awtomatikong ililipat ang kanilang mga pangalan mula sa SK List of Voters sa regular na listahan ng mga botante.
Imahe mula sa Balita.net

Ano ang kailangang dalhin kung magpaparehistro?

Bitbitin ang anumang Identification card tulad ng Work/company ID, postal ID, PWD discount ID, Student’s ID o library ID, Senior Citizen’s ID, Driver’s License, NBI clearance, passport, SSS/GSIS ED, IBP ID, PRC ID,

Para sa mga IP members, maaari ding ipakita ang Certificate of Confirmation mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Paalala na hindi tinatanggap ang Community Tax Certificates (cedula) bilang dokumento ng pagkakakilanlan.

Bukas ba ang COMELEC tuwing Sabado?

  • Bukas ang lahat ng tanggapan ng COMELEC tuwing Sabado, Linggo at kahit holidays.

May bayad ba ang pagpaparehistro:

  • Libre po ang pagpaparehistro. Wala itong bayad.

Kailan ang susunod na halalan?

  • Ang susunod na Barangay at National elections ay gaganapin sa Mayo 2020.

Para sa iba pang katanungan, maaaring bumisita sa COMELEC website o sa kanilang mga pinakamalapit na opisina.

Loading…