Alagang aso na itinuring na kapamilya, binigyan ng disenteng lamay

Imahe mula sa Facebook ng TV Patrol North Luzon
  • Isang doktor sa Ilocos Norte ang nagdaos ng lamay para sa sa kanyang yumaong alagang aso
  • Itinuring na parang anak ang aso kaya binigyan ng marapat na bur0l tulad ng isang tao
  • Nakiramay ang mga nagmamahal sa pamilya at maging mga netizens

Maaaring sa iba ay hindi katanggap-tanggap o kakaiba ang isang kaganapan, ngunit para sa pamilyang Ramos sa Sarrat, Ilocos Norte, kapamilya ang turing nila sa alagang asong si Kaori. Kaya naman noong ito’y mamaalam na, binigyan nila ito ng disenteng lamay ng tulad sa isang tao.

Imahe mula sa Facebook account ng TV Patrol North Luzon

Ayon kay Doc. Raquel Ramos, itinuring na niyang anak ang alagang si Kaori kaya kung ano ang trato niya sa anak, siya ring turing niya sa alaga.

Katulad din ng ibang bata, ipinaghahanda rin nila si Kaori sa tuwing kaarawan nito. At sa loob ng anim na taon ay nagdulot umano ng kasiyahan si Kaori sa buong pamilya hanggang sa magupo ito ng sakit.

Dumagsa naman ang pakikiramay mula sa mga kapitbahay na kilala at giliw na giliw din kay Kaori. Dagsa rin ang pakikiramay ng netizens na naka-relate sa pagmamahal na ibinigay ng pamilya Ramos kay Kaori.

Nagbahagi ng sariling karanasan ang ibang netizens na nawalan din ng alaga. Nakamamangha na marami din palang netizens ang nagbigay din ng maayos na bur0l at lamay sa kanilang mga namaalam nang alaga tulad ni C. Ragunton.

“Totoo yun ‘yung aso ko karga-karga, sakay ko sa motor, katabi namin ng asawa ko matulog. 14 years na sa amin, namatay dahil sa sakit kaya talagang umiyak ako. Mahal na mahal ko si Izaki,” kuwento nito.

Imahe mula sa Facebook account ng TV Patrol Northern Luzon

Mensahe naman ni M. Armstrong, “Run free Kaori together with my Baby Pappie. Masakit mawalan ng alaganag aso lalo na kung itinuring mong parang anak. Naglupasay ako sa kaiiyak noong namatay ang aso ko, 10 years old siya. Miss you so much my big buddy!”

Bahagi naman ni F. Gabaldon, may alaga siyang pusa na iniyakan niya noong pumanaw ito. “Kalong ko siya till my cat’s last breath,” bahagi niya.

Sa kabila ng sakit at pagluluksa ay nakatataba rin ng puso ang pakikiramay ng maraming pet lover netizens sa pamilya. Tagos kahit sa screen ang umaapaw na pagmamahal para sa kapwa animal lover.

Loading…