Erap nagulat sa umano’y naiwang P4.39-B ‘cash deficit’ ng Manila City Hall

Image from Joseph Ejercito Estrada Facebook page
  • Erap nagtataka sa umano’y iniwang P4-39-B na cash deficit
  • Ito ay matapos lumabas ang ulat ng COA tungkol sa iniwang cash deficit ng lungsod
  • Nangako naman ang kasalukuyang administrasyon ni Isko Moreno na titingnan nila ang COA report

MAYNILA, Pilipinas – Hindi makapaniwala si dating Manila Mayor Joseph Estrada sa ipinalabas na ulat ng Commission on Audit (COA) kamakailan tungkol sa umano’y P.39-B ‘cash deficit’ ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.

Image from Joseph Ejercito Estrada Facebook page

Iginiit pa ni Estrada na ang pagkakaalam niya umano ay mayroon pa siyang iniwang P10.3-B sa kaban ng lokal ng pamahalaan ng lungsod; taliwas sa inilabas ng ulat ng COA.

Magugunitang sinabi ng COA sa report nito na may utang ang lungsod sa iba’t-ibang ahensiya at grupo na umaabot ng P9.047-B samantalang ang pondo ng lokal na pamahalaan ay mayroon lamang P5.36-B.

Nangunguhulagan ito na kulang ang pondo ng lungsod ng halos P3.686-B. Maliban dito, mayroon din umanong P706.966-M na nahiram na pera sa mga hindi nagawang proyekto, utang sa ilang ‘intra-agency accounts’, at mga hindi nai-record na cash disbursments.

Image capture from COA report

Ang kabuuang deficit, ayon sa COA report, ay umaabot sa P4.39-B.

Ayon naman kay Estrada, nagtataka siya kung bakit magkakaroon ng ‘cash deficit’ samantalang ang paglalabas ng pondo noong termino niya ay ‘per quarter’.

“Ang bawat gastusin para sa infra projects at supplies ay may angkop na certificate of availability of funds or cash,” wika ni Estrada sa isang pahayag.

“Ang masasabi ko lang, sa nakaraang anim na taon, ang bawat COA audit memo o findings na aming natatanggap ay agad kong pinasasagot sa mga kinauukulang department heads,” dagdag pa ng dating mayor.

Image from Isko Moreno Domagoso Facebook page

Samantala, nangako naman ang ksalukuyang gobyerno ng Maynila na pag-aaralan nila ang naturang ulat ng COA.

Hanggang sa kasalukuyan, bigo pa rin ang kampo ni Estrada na i-turn over sa bagong halal na alkalde na si Mayor Isko Moreno ang mga mahahalagang dokumento na may kinalaman sa pinansiyal na kalagayan ng lungsod, ayon sa mga ulat.

Loading…