Isko Moreno, aprub sa netizens dahil sa pagpapalinis ng basurahan sa Lawton sa loob ng isang araw

Imahe mula sa Facebook ni Isko Moreno Domagoso
  • Bagong upo na Manila Mayor Isko Moreno, pinalinis ang tambak na basura sa Lawton Avenue
  • Sa loob ng isang araw, nagawang malinis ang nasabing lugar
  • Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens

    Imahe mula sa Facebook ni N. Plaza

Mabilis na umaksyon ang bagong upong alkalde ng Maynila Isko Moreno Domagoso sa isyung tambak na basura sa Lawton Avenue, tapat ng City Hall. Sa loob lamang ng isang araw, nagawang malinis ang tambak na basura na matagal nang inirereklamo ng mga residente.

Mismong si Moreno ang nagpunta sa Lawton para subaybayan ang paglilinis. Ayon sa kanya, ilang dump trucks ang ginamit para lang mahakot ang lahat ng basura.

Hangang-hanga ang mga netizens sa ipinakitang mabilis na aksyon ni Moreno.

“Talagang pinuntahan pa niya para makita kung gaano kadumi sa Maynila. Sana lahat pati mga kanal malinis din at di na masyado nagbabahaha,” hiling ni H. Olea.

Puri naman ni J. Lubo, “Yan ang magaling na Mayor… hindi yung paupo-upo lang sa City Hall.”

Sa Facebook post naman ni Z. Salud, una na niyang ipinanawagan noong Hunyo 19 ang pagpapalinis sa lugar, bago pa man maupo sa puwesto ang bagong halal na Mayor Moreno.

“Paging Mayor Isko Moreno. Parang dumpsite na ang Lawton sa may left side going to Jones Bridge,” banggit nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Zita Salud

Hiling naman ng iba na sana aksyunan din ang madalas na pagbaha, trapiko at illegal parking.  Umaasa din ang ibang residenteng malinisan ang mga pampublikong parke sa buong lungsod; ganun ding matamnam ng mga puno ang tabi ng kalsada.

Paalala naman ng iba tulad ni E. Pagsisihan, sana ay tuluy-tuloy na ang pagbabagong ito at hindi ningas kugon lamang. Sabi naman ng iba pa, maging responsable, disiplinado ang lahat para mapanatili ang mga positibong pagbabago sa siyudad.

Loading…