“Kailangan bang pumili kapag nagmamahal?” Hugot lines sa movie trailer nina Kathryn Bernardo, Alden Richards

Imahe mula sa Star Cinema via YouTube
  • Trending sa social media ang trailer ng bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards
  • Umabot na sa halos 2 milyon views ang trailer sa YouTube
  • Ito ang unang pagkakataong nagtambal ang dalawa

“Kung mahal mo ako, bakit hindi ako ang piliin mo, Joy?” – Ethan

“Kung mahal mo ako, bakit pinapapili mo ako?” – Joy

Imahe mula sa Instragram Account ni Alden Richards

Kailangan nga bang pumili kapag nagmamahal? Ito yata ang sasagutin ng bagong pelikula ng Star Cinema na ‘Hello, Love, Goodbye.”

Sa unang pagkakataon, nagsama sa isang pelikula ang dalawa sa pinatanyag na aktor ng dalawang magkaribal na istasyon – Kathryn Bernardo at Alden Richards. Kitang-kita na inaaabangan ang tambalang ito dahil sa trending sa YouTube ang official trailer na inilabas noong Hunyo 1, 2019.

Umabot na sa halos 2.6 million views ang nasabing trailer. Hindi naman maitanggi ang excitement ng netizens lalo na ang tagasuporta ng dalawa.

Ayon sa mga tagasubaybay, ang pelikulang ito ang patunay na kaya nilang tumayo bilang mga aktor labas sa kanilang loveteam.

“This is for those who don’t believe that Kath can’t do it without Daniel and for those who don’t believe that Alden can’t do it without Maine,” komento ni J. Caccam sa YouTube.

Imahe mula sa Star Cinema trailer

Napansin din na may chemistry at mahusay ang pag-arte ng dalawa sa pelikulang ito. Prediskyon ng marami na tatabo sa takilya ang pelikula.

Ito ang unang pagkakataon na hindi katambal ni Kathryn ang kanyang kasintahan na si Daniel Padilla. Unang pagtatambal din ito ni Alden sa iba mula sa dating loveteam nila ni Maine Mendoza.

Ang “Hello, Love, Goodbye” ay kuwento ng dalawang Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho at nagkakilala sa Hong Kong. Siguradong marami ang makaka-relate kay Ethan (Alden Richards)  na isang bartender at Joy (Kathryn Bernardo) na isang domestic helper.

Kasama din sa pelikula sina Maymay Entrata, Cacai Bautista at Joross Gamboa at si Cathy Grace-Molina naman ang direktor at hango sa panulat ni Carmi Raymundo.

Tiyak na inaabangan na ng mga fans ang pelikula na ipapalabas sa July 31, 2o19.

Panoorin ang trailer dito:

Loading…