Kawalan ng pondo ang dahilan kaya hindi upgraded ang mga ospital sa Siargao?

Imahe mula sa Facebook Page ni Yeng Constantino/Cong. Bong Matugas
  • Sumagot at nagpaliwanag si Surigao del Norte Representative Franciso Jose ‘Bingo’ Matugas II sa reklamo at karanasan ni Yeng Constantino sa Siargao
  • Dahil naaksidente ang asawa ni Yeng, na si Yan Asuncion, nakita ang kalagayan ng ospital sa isla ng Siargao
  • Sinigurado ni Matugas na patuloy nilang ginagawan ng paraan kung paano umunlad ang serbisyo medikal sa isla

Sa isang Facebook post, ipinaabot ni Surigao del Norte Representative Bingo Matugas ang kanyang mensahe para sa singer-song writer na si Yeng Constantino kaugnay sa viral post nito tungkol sa aksidenteng nangyari sa kanyang asawa sa Siargao kamakailan.

 

Imahe mula sa Facebook Page ni Cong, Bingo Matugas

Ipinabatid ni Cong. Matugas na nalulungkot sila sa insidenteng naranasan ni Constantino at ng kanyang asawa na si Yan Asuncion habang nasa isla. Ipinagpasalamat din nito ang pagpapaabot sa kanila tungkol sa mabilis na pagresponde ng mga Siarganon sa mga aksidenteng tulad ng nangyari kay Asuncion.

“The public may rest assured that the Provincial Government, the local executives, health and tourism officials and this representation have been taking steps to make Siargao as safe a destination as it is beautiful and fun,” banggit ni Cong. Matugas sa kanyang post.

Ipinaliwanag ng mambabatas na matagal na nilang hinihiling sa national government ang pagpapataas ng kalidad ng medikal na serbisyo sa isla.

Bago pa man ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga kilalang personalidad, matagal na nilang gustong i-upgrade ang Siargao District Hospital sa Dapa, Surigao na maging Level 2 hospital.

Sa katunayan, nagpila ng batas ang kongresista para mapondohan ang proyekto. Kung naaprubahan, hindi lang kagamitan sa ospital ang madaragdagan kundi ang medical team, empleyado na haharap sa mga pangangailangan medikal ng isla.

Imahe mula sa Facebook page ni Yeng Constantino

“Unfortunately, budgets, like any government programs and projects just do not happen overnight, they take considerable time and process,” paliwanag ni Matugas.

Bagama’t wala pang pondo, tuluy-tuloy naman daw ang pagbibigay ng pagsasanay sa lahat ng stakeholders para maangkupan at matugunan ang pangangailan sa usaping medikal.

Positibo naman ang naging tugon ni Yeng sa paliwanag ni Matugas. Pinasalamatan niya ito sa pakikinig at pagbabahagi ng plano para sa ospital sa Siargao.

Naging matunog ang nakalulungkot na sitwasyon ng mga ospital sa Siargao dahil sa reklamo ni Constantino noong maaksidente ang asawa niyang si Yan sa cliff diving. Hindi agad nabigyan ng karampatang atensyon si Yan dahil kulang sa kagamitan sa ospital.

Loading…