Mga eksperto nagbabala sa paggamit ng ‘FaceApp’

  • Trending ngayon ang paggamit ng FaceApp
  • Kinaaaliwan ito dahil kaya nitong patandain, pabatain, pagandahin at iba pa ang litrato ng user
  • Sa kabila nito, nagbabala ang mga eksperto sa security issues ng FaceApp

Muling pumatok ngayon sa social media ang paggamit sa “FaceApp,” isang mobile application kung saan gumagamit ng artificial intelligence para i-edit ang mga larawan. Puwede nitong patandain ng 20-50 taon ang iyong litrato; ibahin ang kulay ng iyong buhok, mata o gawing mas bata ang iyong hitsura.

Dahil sa makatotohanang ‘transformation’ na ito,  kinagiliwan ito ng marami. Kahit kilalang celebrities tulad nina Angel Locsin, Erwan Heusaff, Jhong Hilario, Kaye Abad at Coco Martin, game na nagshare ng FaceApp transformation nila.

Imahe mula sa Twitter post ni Justin Reynolds

Pero isang babala ang ibinahagi ng ilang eksperto kaugnay sa paggamit ng mobile app na ito.

Lumabas diumano sa mga pag-aaral, na kwestiyonable ang isang clause sa app kung saan pinapayagan ng user ang FaceApp na magkaroon ng access, i-save at gamitin ang mga litrato nito sa camera roll sa kahit anong paraang nais nito. Isa daw itong mahigpit na isyu sa seguridad dahil puwedeng gamitin ng mobile app ang mga pribadong litrato ng user nito nang hindi nito nalalaman.

Nakakapangamba rin na puwedeng gamitin ang datos na nakuha mula sa user sa ibang pamamaraan, sabi ng isang tech analyst na si John Koetsier.

“What we have learned in the past years about viral Facebook apps is that the data they collect is not always used for the purposes that we might assume. And, that the data collected is not always stored securely, safely, privately,” paliwanag nito.

Imahe mula sa Instagram ni Erwan Heusaff

Maaari rin daw na ilang hackers ang nasa likod ng app na posibleng ibinibigay ang data na nakuha sa  bansang Russia. Itinanggi naman ng FaceApp ang mga alegasyong ito.

Ang FaceApp ay una nang sumikat matapos itong maimbento noong 2017 ng Wireless Lab; isang startup company na nakabase sa Russia.

Ikaw, gagamit ka pa rin ba ng FaceApp sa kabila ng mga diumano’y banta sa seguridad tulad nito?

Sources:  Market Watch    Science Alert

Loading…