Tumaas ang sahod ng pulis, tumaas din ang bilang ng misis na walang sustento?

Imahe mula sa website ng Abante.com
  • Asawa ng mga pulis na nagrereklamo sa sustento, dumarami
  • Mula nang tumaas ang sahod ng mga pulis, tumaas din ang bilang ng nagsasabi na hindi sila nabibigyan ng sustento
  • Haharap naman sa isang kasong administratibo ang pulis na mapatutunayang may pagkukulang kaugnay sa isyung ito
Imahe mula sa Elegal.ph

Tumaas ang sahod ng pulis, dumami rin ba ang kinakasama? Ito ngayon ang kailangang tingnan at imbestigahan ng Philippine National Police Internal Affairs Services (PNP-PIAS) matapos ang pagdagsa ng mga reklamo laban sa ilang kapulisan kaugnay ng sustento sa pamilya.

Ayon kay Brig. Gen. Gerry Galvan, hepe ng inspection and audit division ng PNP-PIAS, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga nagrereklamo ng “economic abuse laban sa mga pulis mula noong tumaas ang kanilang sahod. Mula Enero ngayong taon, may 100 asawa, kinakasama, ang naghain ng kaso laban sa mga pulis na may kapabayaan.

Batay naman sa datos ng  Women and Children Protection center (WCPC), pumalo na sa 301 reklamo ang naisumite laban sa mga pulis mula pa noong 2018 — 40 porsyentong mas mataas kaysa sa 215 na naitalang kaso noong 2017.

Matatandaang mula sa P14,834 na sahod ng police officer 1, umakyat ito sa P29,668 kada buwan. Samantalang tumatanggap naman ng P34,761 kada buwan ang senior police officer 3. Hindi naman bababa sa P38,000 ang sahod ng isang senior police officer 4 habang ang general o police director general ay may P149, 785 kada buwan.

Image by PTVNews via PRCBoard

Haharapin naman ng PNP-WCPC ang mga reklamo kaugnay sa kawalang-sustento ng ilang kapulisan na pasok sa kasong violence against women and children (VAWC).

Ano kaya ang dahilan kung bakit may kapabayaan ang ilang pulis sa kanyang pamilya? Sana gampanan nila ang responsibilidad hindi lang sa bayan kundi sa sarili nilang pamilya.

Loading…