US nagbigay ng P20-M grant para sa proyektong pangkalikasan, Manila bay rehab

Image by Bombona78 via Wikipedia
  • 2 grupo ang nakatanggap ng grant mula sa gobyerno ng Estados Unidos
  • Ang grant ay para sa mga proyektong naglalayong linisin ang plastik sa karagatan
  • Susuportahan din nito ang rehabilitasyon ng Manila Bay

MAYNILA, Pilipinas – Nakatanggap ng P20-M grant ang dalawang lokal na environmental groups mula sa gobyerno ng Estados Unidos para sa mga proyektong magtataguyod sa proteksiyon ng karagatan at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Image from USAID Philippines Facebook page

Ayon sa United States Embassy, layon ng grant na ito na itaguyod ang mga proyekto para sa pagbabawas ng plastik sa karagatan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalawak ng community-based recycling program at pagpapalakas ng solid waste management.

Susuportahan din nito ang mga pananaliksik para sa rehabilitasyon ng Manila Bay, ayon pa sa pahayag ng embahada.

Image from US Embassy website

Ang grant ay naibigay sa dalawang grupo – Ecological Waste Coalition of the Philippines and Mother Earth Foundation – na siyang nakatakdang magpatupad ng proyekto.

Ang paggawad ng naturang grant ay dinaluhan nina U.S. Embassy in the Philippines Deputy Chief of Mission John Law, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda kasama si DENR Undersecretary Miguel Cuna.

“We are proud to work together with the Philippines in finding innovative solutions to keeping plastic waste out of our oceans,” wika ni Law sa isang pahayag.

Image from US Embassy website

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng United States Agency for International Development’s (USAID) Municipal Waste Recycling Program na patuloy na sumusuporta sa mga proyektong pangkalikasan ng mga environmental groups sa Pilipinas, Indonesia, Sri Lanka at Vietnam.

Loading…