Matandang lalake, nagbebenta ng book stand para sa kapwa PWD

Imahe mula sa Facebook account ni M. Francia
  • Nakilala na si Kuya Ogie noong nakaraang taon dahil sa pagbebenta ng book stand na gawa sa kahoy
  • Muli siyang nagbabalik para muling magbenta
  • Ang kita ay para sa pondo ng mga PWD na tulad niya

Isang matandang lalake ang viral ngayon sa social media dahil sa pag-aalok nito ng kanilang produktong book stand na yaring kahoy.

Imahe mula sa Facebook ni M. Francia

Nauna nang nakilala si Kuya Ogie noong nakaraang taon dahil sa viral post tungkol sa panawagang bumili ng kanyang mga produkto para matulungan ang kapwa niya Persons with disability (PWD).

Ngayon, muli siyang nagbabalik para magbenta ng book stands sa abot-kayang halaga.

“Hi, friends! If you are looking for affordable and quality books stands, you may buy from Kuya Ogie. He sells these book stands to raise funds for PWDs like him,” simula ni M. Francia sa kanyang post.

“These book stands are sturdy and can withstand heavy law books! Our law library has them for students’ use. Plus, it’s also lightweight so you can bring it with you anywhere you want to study,” panawagan ni Francia,

Nagkakahalaga ng 250 hanggang 280 pesos ang book stand depende sa laki.

Inanunsyo din na matatagpuan si Kuya Ogie at kanyang paninda sa UST College of Medicine, maghapon ng August 16. Maaari din siyang kontakin sa numerong 09395022659.

Ibinahagi rin ang panawagang ito sa Facebook page na The Book Budgeter.

Wala mang mga detalye tungkol sa personal na buhay ni Kuya Ogie. nakamamangha na nagsusumikap siya sa kabila ng kanyang kapansanan. Ganoon ding nakatataba ng puso ang pagtutulungan ng samahan ng mga PWD.

Loading…