Asia’s Songbird Regine, ikinuwento ang dahilan ng kanyang pagpayat

Image via Regine Velasquez |Instagram
  • Marami ang nakapansin ng pagpayat ni Asia’s Songbird Regine Velasquez
  • Sa isang panayam, ibinahagi ni Regine na parte ang pagpapapayat ng paghahanda niya para sa “Iconic” concert
  • Kasama niya rito ang isa pang iconic singer na si Megastar Sharon Cuneta

Marami na ang nakapapansin sa pagbaba ng timbang ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Sa isang panayam, ikinuwento ng singer-actress kung ano ang dahilan ng pagpayat niya.

Image via Regine Velasquez |Instagram

Sa panayam kay Regine ng ABS-CBN News, ibinahagi ng Kapamilya singer na bahagi ang pagpapapayat niya ng kanyang paghahanda para sa nalalapit na “Iconic” concert, kung saan makakasama niya si Megastar Sharon Cuneta.

“Alam mo, tuwing magko-concert, I really need to be fit. Siyempre kasi mahirap mag-concert. Kaya lang, unfortunately, kapag nagko-concert ako dati — kasi wala pa akong ASAP, hindi pa ako kumakanta, once a year lang ako kumakanta para mag-concert — nahihirapan ‘yong boses ko. So after, lagi akong tumataba kasi nag-steroids ako,” paliwanag niya.

Ngayon daw na hindi na niya kailangan ng steroids dahil palagi naman siyang kumakanta, naging posible na sa kanya ang pagbabawas ng kanyang timbang.

“Hindi ko na kailangan mag-steroids kasi kakanta ako nang kakanta. Wala na siyang choice kasi every Sunday I get to sing,” natatawang sabi ng singer actress.

Labis daw na nananabik si Regine sa papalapit nilang two-night concert dahil hindi naman daw palaging may pagkakataon na makasama niya sa isang back-to-back concert ang Megastar.  At siyempre, maging ang fans ng dalawang iconic singers ay hindi na makapaghintay sa concert nila na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Oktubre 18 at 19.

At tulad niya, siyempre, naghahanda na rin si megastar Sharon para sa dalawang gabi ng pagbibigay-kasiyahan sa kanilang mga masusugid na tagahanga.

Image via Regine Velasquez |Instagram

Sources: ABS-CBN News, PhilStar, Instagram,

Loading…