Babae, binuksan ang emergency exit ng eroplano upang makalanghap umano ng sariwang hangin

  • Isang babae sa China ang naging dahilan ng pagka-delay ng flight ng isang eroplano
  • Ang babae kasi na ito ay binuksan ang emergency exit ng eroplano bago pa ito lumipad
  • Ayon sa babae, nais niya umanong makalanghap ng sariwang hangin kaya niya iyon nagawa
Imahe mula Unsplash

Tuwing sumasakay ng kahit anong uri ng transportasyon, mayroong sinusunod na guidelines o panuntunan ang mga pasahero. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng nakasakay at pati na rin ng drayber.

Ang hindi pagsunod sa mga batas o panuntunan ay may kalakip na kaparusahan, tulad ng pagmumulta o pagkabilanggo; depende sa bigat ng kasalanan.

Kaya naman sa mga sasakyan na may malaking kapasidad ng mga pasahero tulad ng bus, barko, o eroplano, mayroong mga kundoktor, inspektor, o flight attendant na tumitiyak na lahat ng pasahero ay sumusunod sa mga panuntunan ng sasakyan.

Ngunit gaano man kalinaw ng mga panuntunan at ka-istrikto ng mga tauhan ng sasakyan, mayroon pa ring mga pasahero ang pasaway at hindi iniisip ang kapakanan pati na rin ng mga kapuwa pasahero.

Sa isang viral video na unang inupload sa video streaming app na Weibo, isang babae ang nagbukas ng emergency exit ng eroplano kahit wala namang emergency.

Imahe kuha mula sa video ng ????? via YouTube

Ang babaeng ito, na hindi pinangalanan, ay mula China at nakasakay sa eroplano ng Xiamen Airlines sa Wuhan at lilipad sana papuntang Lanzhou sa China rin.

Ayon sa ulat ng Chinese media na South China Morning Post, binuksan umano ng babae ang emergency exit ng eroplano upang makalanghap ng hangin.

Masyado umanong mainit sa loob ng eroplano kaya niya naisipang buksan ang emergency exit upang may sariwang hangin na makapasok.

Dahil sa kaniyang ginawa, na-delay ng mahigit isang oras ang flight. Dinampot din ng mga awtoridad ang babae upang kuwestiyunin.

Imahe mula sa  YouTube

Isang pasahero ang nakakuha ng video ng mga pangyayari na naka-upload na ngayon sa YouTube.

Nahaharap sa maraming kaso ang babae tulad ng maaaring pagkakul0ng, pagmumulta, o ‘di kaya ay pag-ban sa kaniya na sumakay sa kahit anong paliparan.

Matatandaang noong 2015 din, isang turista mula China ang nagbukas ng emergency door exit ng eroplano habang ito ay nasa himpapawid pa. Naharap sa samu’t saring kaso ang babae dahil sa kaniyang naging aksyon.

Panoorin ang video dito:

Sources: YouTube, South China Morning Post, Inquirer, Inquirer

Loading…