Babae, pinilit sagipin ang alagang isda kahit wala na ang kalahating katawan nito

Images via Kanya Tantiwiwatkul | Facebook
  • Pinilit ng isang babae na iligtas ang kanyang alagang goldfish kahit wala na ang kalahating katawan nito
  • Pagbabahagi ni Kanya Tantiwiwatkul, sinabihan na siyang itapon ito at humanap na lamang ng bagong alaga
  • Gayunman, hindi raw siya sumuko at pilit pa rin niyang hinanapan ng lunas ang kalagayan nito

Mayroong mga tao na labis magpahalaga sa kanilang alaga; inaasikaso itong mabuti, itinuturing na pamilya, gagawin ang lahat para lamang matiyak na nasa maayos itong kalagayan.

Image via Kanya Tantiwiwatkul | Facebook

Sa Facebook, nag-viral kamakailan ang kuwento ni Kanya Tantiwiwatkul; isang babaeng taga-Thailand na ginawa ang lahat para masagip ang minamahal niyang goldfish kahit pa wala na ang kalahating katawan nito.

Ilang buwan pabalik, napansin ni Kanya na parang may kakaiba sa alaga niya. Nang tingnan niya itong maigi, wala na pala ang buntot nito at nagsisimula na rin maaninag ang dulo ng buto sa bahaging iyon. Agad niya itong dinala sa isang fish shop para bumili ng gam0t.

Gayunman, tinapat siya ng bantay ng shop at sinabing wala nang pag-asa ang goldfish kaya itapon na lamang niya ito at humanap ng bagong alaga. Sa kabila nito, hindi nawalan ng pag-asa si Kanya. Bumili siya ng gamot at inalagaan itong mabuti hanggang sa mahimala itong nakabawi pagkalipas ng anim na buwan. Nag-regenerate na rin daw ang naputol na bahagi ng katawan nito.

“Although your tail is not perfect, it is very strong and can swim well. You are very cute and strong, very determined to survive. I believe with a little more care you will only get better,” saad ni Kanya sa caption ng mga larawang ibinahagi niya.

As of posting, nakakuha na ng mahigit 111,000 reactions ang post ni Kanya. Marami ang humanga sa pagmamahal niya sa kanyang alagang isda at naibalita pa ito sa kanilang bansa.

Image via Kanya Tantiwiwatkul | Facebook

Sources: Facebook    Facebook   Oddity Central

Loading…