Balik-tanaw: Ang pagbida ni Angelica sa life story ng iconic young actress na si Julie Vega

Images via iWant
  • Gumanap ang noo’y teen star na si Angelica Panganiban bilang ang iconic young actress na si Julie Vega
  • Sa Maalaala Mo Kaya episode na pinamagatang “Unan”, ikinuwento ang buhay ng late actress
  • Ipinakita rin ang ilang rare photos ni Julie simula sa pagkabata at ang actual video ng paghahatid sa kanya sa huling hantungan

Isa sa mga hindi makalilimutang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ang pagsasadula sa kuwento ng iconic young actress na si Julie Vega; ang artistang yuma0 sa edad na 16, sa panahon ng kanyang kasikatan.

Image via iWant

Sa episode na ito ng MMK, bumida ang noon ay teen star pa lamang na si Angelica Panganiban. Ang pagganap na ito ay kinagiliwan ng mga manonood dahil bukod sa isa si Angelica sa mga pinakapopular na young actress ng kanyang panahon, may pagkakahawig din ito sa late actress.

Ipinasilip din sa nasabing palabas ang mga rare photos ni Julie at maging ang paghahatid sa kanya sa huling hantungan; kung saan makikitang nagluluksa ang ilan sa mga maniningning na bituin, kabilang na ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. at ang isa pang sikat na sikat na teen star noon na si Janice De Belen.

Hanggang ngayon ay laman pa rin ng nostalgia o thr0wback groups at pages ang mga larawan, kanta, poster ng pelikula at iba pang memorabilya na nagpapaalala sa maikli ngunit makulay na buhay ni Julie; lalo na at napakalaki ng ambag nito sa industriya at maging sa mga manonood.

Matatandaang bago yuma0 noong 1985 ay halos isang dekadang ring namayagpag ang showbiz career ni Julie bilang isang mahusay na aktres at mang-aawit. Nagsimula bilang commercial model sa edad na anim, pinatunayan niya na hindi lamang siya biniyayaan ng mala-anghel na mukha nang sunod-sunod siyang naging bahagi ng mga pelikula at teleserye, hanggang sa maging isa nang ganap na bida.

Image via iWant

Personal na buhay

Tampok din sa episode ang noon ay child star pa lamang na si Jane Oineza, bilang batang Julie; na ang tunay na pangalan ay Darling Julie Pearl Postigo. Ipinakita niya ang masayang childhood ng kaisa-isang babaeng anak ng mag-asawang Postigo; ang pagiging bibo at malambing nito, kung paano niya ipinagdarasal ang bawat audition, kung paano sabay-sabay na nagrorosaryo ang pamilya, at iba pa.

Images via iWant

Ipinakita rin kung paano siya nakipaglaban sa kalungkutan nang mawala ang pinakamalapit niyang kapatid, ang kanyang kuya na si Jeffrey Postigo, na siyang inspirasyon niya sa pagkanta.

Samantala, ibinahagi rin sa MMK episode ang naging relasyon ni Julie sa kanyang fans; lalo na sa isa sa mga ito na pinatulungan pa niya sa kanyang ina na isang dentista.

Maaaring panoorin nang libre sa iWant ang MMK episode na kinatatampukan ng istorya ng iconic young actress na si Julie Vega.

Sources: iWant, Virtual Pinoy

Loading…