Balik-tanaw: Ang restored version ng wedding video nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces

Image capture from YouTube
  • Nai-restore ng FPJ Production ang wedding video nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces
  • Natuwa ang mga netizens sa video na ito dahil nasariwa nila ang isa sa mga highlight ng pagmamahalan ng power couple
  • Taong 1968 nang ikasal ang sikat na celebrity couple at nagsama hanggang sa yuma0 si FPJ noong 2004

Isa sa mga power couple ng Philippine entertainment industry ang mga popular na artistang sina Fernando Poe, Jr. (FPJ) at Susan Roces, kaya namang maituturing na iconic ang pagpapakasal nila noong 1968.

Image capture from YouTube

Dahil dito, natuwa ang maraming social media users nang ibahagi ng FPJ Prodduction ang restored version ng nasabing kasalan noong 2017. Waring nagbalik sa panahon ang mga nakapanood lalo na at nasaksihan ng lahat ang wagas pagmamahalan ng dalawa na tumagal hanggang sa yuma0 si FPJ noong 2004.

“Thank you so much sa pag-upload ng video na ito. It’s a great gift para sa aming fans na hindi inabot ang taon ng kasal nila, para na rin kaming nabuhay at nakasaksi. The first time I’ve seen Ms. Susan Roces in theatre was 1986, in ‘Inday, Inday sa Balitaw’. I was only 12 years old, kaya very thankful ako na makita ang video ng kasal nila,” ani Millet Lopez.

“Wow, ang linaw na. Lalong lumitaw ‘yong kagandahan ni Susan at kaguwapuhan ni FPJ. Silang dalawa ang paborito ko simula noon at hanggang ngayon,” wika ni Lilia Santos.

“Thank you very, very much for sharing this video. Paki-upload more of their wedding videos. We are solid fans of Susan Roces and FPJ. Kahit matanda na kami, nanabik kaming makita ang mga picture nila. Very inspiring na balikan ang taong 1965 until their wedding and more years na pinagsamahan nila,” sabi naman ni Empe Amparo.

Image capture from YouTube

Balikan ang kasalan nina FPJ at Susan sa pamamagitan ng video na ito mula sa FPJ Productions:

Sources: YouTube,

Loading…