Balik-tanaw: High school class picture ng section ni ‘Yorme’ Isko Moreno

Images via Ronilo Tungcab and Isko Moreno Domagoso | Facebook
  • Sa Tondo High School nag-aral si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
  • Ibinahagi ng isang Facebook user ang high school class picture ng section na kinabibilangan ni “Yorme”
  • Kinuhanan ang litrato upang maging remembrance para sa school year 1990 to 1991

Isa sa mga paboritong gawin ng mga tao sa social media ay ang magbalik-tanaw sa pamamagitan ng mga lumang larawan ng mga taong naging matagumpay sa buhay. May mga nag-a-upload ng mga sarili nilang naitabing litrato. Mayroon din naman nagse-share ng mga nakikita nila mula sa iba’t ibang pages. Nakakatuwa kasing i-post; ibinabalik kayo sa nakaraan, pinasasaya, binibigyan ng inspirasyon, at nagiging simula ng mga nakalilibang na kuwento

Image via Ronilo Tungcab | Facebook

Sa isa sa mga Facebook group na patok na patok ngayon dahil sa mga lumang larawan, ibinahagi ng member na si Ronilo Tungcab ang class picture ng section ka kinabilangan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Tondo High School sa loob ng school year 1990 to 1991.

“Yorme Isko Moreno’s high school class picture. Pakihanap na lang po siya hehehe,” saad ni Tungcab sa caption ng litrato na ibinahagi niya sa group na ” Alaala ng mga Larawang Kupas”.

Masaya namang hinulaan ng mga miyembro ng grupo kung nasaan sa larawan ang mayor. Marami ang kaagad na nakahula, habang mayroon din namang hindi raw mawari kung nasaan ito dahil medyo malabo na ang lumang litrato.

Nakaupo siya sa unang linya, pangalawa sa dulo. Makikita sa larawan ang simpleng pinagmulan ng alkalde na ngayon ay hinahangaan na ng marami dahil sa magagandang nagawa nito sa ilang buwan pa lamang ng kanyang panunungkulan.

Sabi pa isa sa mga nag-iwan ng kumento sa post na si J. Prieto, “Akalain ba nating siya pala ang bubuhay  sa Manila.”

Wala namang imposible, ‘ika nga, basta mayroon kang pangarap at determinado kang abutin ito.

Image capture from Facebook

Loading…