Batang nagtitinda ng bamboo flute, hinangaan sa husay niya sa pagtugtog nito

Image capture from Raffy Tulfo Supporters' Facebook video
  • Natuwa ang marami sa isang bata na nagtitinda ng bamboo flute
  • Bukod sa kasipagan nito sa paghahanapbuhay, may taglay din itong talento sa pagtugtog ng nasabing instrumento
  • Ilan sa mga tinutugtog niya ay ang popular songs na “Versace on the Floor”, “Love Yourself”, at “One Call Away”

Hinangaan ng maraming social media users ang isang batang tindero ng bamboo flute dahil bukod sa kasipagan nito sa pagbebenta ng nasabing instrumento, waring isa rin itong eksperto sa pagtugtog nito.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Raffy Tulfo Supporters ang video ng bata habang tumutugtog gamit ang flute na sample sa dala niyang paninda. Ilan sa mga awiting tinutugtog niya gamit ang bamboo flute ay ang popular songs na “Versace on the Floor”, “Love Yourself”, at “One Call Away”.

“Mayroon pa rin talagang mga ilang magagandang bagay sa mundong ito. Gabayan n’yo po s’ya at h’wag pababayaan,” sabi ng Facebook user na si Ricky Huliganga.

“Galing! ‘Yan ang purong talento, walang aral sa mga notes, tanging pandinig at abilidad at pagiging malikhain pero nakakatugtog ng musika. Mabuhay ka, kapatid,” komento ni Jackie de Jesus.

“Good job, anak. Napakahusay ng talent mo. At isa ka pang masipag na bata. Napakasuwerte ng mga magulang mo sa iyo, anak. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabait na bata. God bless, anak,” saad ni Maricris Co Bayani.

“‘Yan ang lodi kong bata. Mabait na, may talento pa, at nakakatulong pa sa kanyang pamilya,” ani John Loyd Capili.

Marami rin ang nagpahayag ng kagustuhang makatulong; nagtatanong kung paano makokontak ang bata o kung saan siya puwedeng puntahan. Ang iba, tumutulong sa ibang paraan; katulad ng pagse-share ng video, pagta-tag sa pages ng mga programa sa telebisyon katulad ng “Raffy Tulfo in Action”, “Kapuso Mo, Jessica Soho”, at “Mission Possible”. Medyo malayo rin kasi sa Maynila ang kinaroroonan ng batang tindero na taga-Clark, Pampanga raw.

Image capture from Facebook

Source: Facebook

Loading…