Bayanihan ng mga pasahero sa MRT para sa lalaking may karamdaman, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | ÅcdhiRr Ailnv Diaz
  • Netizen nagbahagi ng heartwarming post kaugnay sa isang lalaking may karamdaman na sumakay sa MRT
  • Marami umanong naantig at naawa sa kondisyon ng lalaki kaya’t tinulungan ito ng mga pasahero
  • Nagpatak-patak ng pera ang mga pasahero para sa lalaki upang makapagpa-lab test na ito

Sa aminin man natin o sa hindi, maraming Pinoy ang likas na maawain at nagdadamayan sa panahon ng pagsubok; kakilala man o hindi.

“Faith in humanity restored.” Ito ang kabuuan ng mga libu-libong komento na bumuhos sa Facebook post ni ÅcdhiRr Ailnv Diaz kaugnay sa isang pasahero na ayon sa kanyang post ay inihatid ng isang security guard ng MRT Taft Ave. papasok sa isang bagon sa pamamagitan ng wheelchair.

Facebook | ÅcdhiRr Ailnv Diaz

Ayon kay Diaz, may isang pasahero na nakasuot ng kulay abong damit ang kumausap sa lalaking may sakit nang mapansin nilang tila nanginginig at may iniinda itong kirot sa pag-andar ng tren.

Dagdag pa niya, “In a weak voice he was apologetic thinking he was causing an odd scene, or causing discomfort by his presence. Everyone in this part of the train carriage heard their conversation and started pitching in. P100 + P100 + P100… Before we reached the next station he had enough money for the lab test he needed, plus food and fare. The guys at the back called for a guard for assistance so he could go back to MaDocs.”

Tunay na kahanga-hanga na tila may hudyat na kailangan ng tulong ng lalaking iyun at nagsimula nang mag-abot sa kanya ng paisa-isandaan ang ilang mga pasahero para sa kanyang lab test at iba pang pangangailangan gaya ng pamasahe at pagkain.

Maraming na-inspire sa ibinahaging kuwento ni Diaz na nagpapakita ng tunay na ispiritu ng kabayanihan… na handang tumulong ang mga estranghero sa kanyang kapwa na nangangailangan ng tulong. Umabot sa mahigit 53,000 shares at lampas 10,000 komento ang natanggap ng post na ito at marami ang nag-tag sa mga sikat na programa gaya ng Raffy Tulfo in Action, KMJS, Rated K at iba pa upang matulungan ang lalaki.

Imahe mula sa Facebook | ÅcdhiRr Ailnv Diaz

Ngunit kalaunan may mga lumabas na komento na nagsasabing isa raw itong scammer at ilan ang nagpahayag ng sarili nilang karanasan sa lalaking ito sa iba-ibang lugar sa Maynila.

Mayroong nagsabi na mga lumang dokumento ang dala ng lalaki, 2 years ago pa, at mayroong mga nagsabi na tumanggi ito sa masinsing tanong ng iba na gusto sana siyang tulungan. Perang iaabot lamang umano ang tinatanggap nito at anumang imbita na sasamahan siya sa ilang institusyon ay tinatanggihan nito at tila ikinagagalit pa.

Imahe mula sa Facebook comments sa post

Paglilinaw naman ni Diaz sa usaping ito nitong Huwebes lamang, Sept. 12: ”

“About that post earlier… I just shared what I saw and experienced. I do not know these people in the picture. Thanks to the people who sent positive vibes.

There are also people who raised concerns that it was just a modus operandi, claiming they know the person and that our help did not go to good use. Now I don’t know about that, nor do I have the capabilities to investigate these concerns. I’m just a private person.

What I believe I shared was my experience of #Bayanihan, of people.”

 

Sources:  Facebook  Buzzooks

Loading…