Dalawang estudyante, tumigil sa daan upang magbigay galang sa Lupang Hinirang

Imahe mula kay Mark Anthony Garais via Philippine Star Facebook page
  • Nakuhanan ng larawan ng isang netizen ang dalawang estudyante habang nasa labas ng kanilang paaralan
  • Sa larawan ay makikitang nakatigil ang dalawang estudyante sa may gilid ng kalsada habang ang kanilang mga kanang kamay ay nakalagay sa kaliwang dibdib
  • Ayon sa uploader, tumigil daw umano ang dalawang estudyante upang magbigay-galang sa pinapatugtog na pambansang awit
Imahe mula Shutterstock

Bata pa lamang ay tinuruan na tayo sa paaralan na magbigay galang sa watawat ng Pilipinas pati na rin sa pambansang awit.

Karagdagan pa dito ay ang pagtayo nang tuwid at paglalagay ng kanang kamay sa may kaliwang dibdib habang nakaharap sa watawat sa tuwing pinapatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas na Lupang Hinirang.

Sa katunayan ay mayroon nang inilabas na batas tungkol sa pagbibigay respeto sa watawat at pagkanta ng pambansang awit.

Ang Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ay nagsasaad na kapag tumunog ang Lupang Hinirang sa publiko, kinakailangang sabayan ito ng mga tao hanggang sa ito ay matapos.

Ayon sa batas, Section 38: When the National Anthem is played at a public gathering, whether by a band or by singing or both, or reproduced by any means, the attending public shall sing the anthem. The singing must be done with fervor.

Nakasaad rin na bilang respeto sa watawat at pambansang awit: all persons shall stand at attention and face the Philippine flag, if there is one displayed, and if there is none, they shall face the band or the conductor. At the first note, all persons shall execute a salute by placing their right palms over their left chests.

Sinabi rin ng batas na ang Lupang Hinirang ay hindi maaaring ipatugtog sa kahit anong uri ng libangan (recreation, amusement or entertainment purposes).

Imahe mula kay Mark Anthony Garais via Philippine Star Facebook page

Ang batas na ito ay nilagdaan ng dating presidente Fidel V. Ramos noong 1998. Habang noong 2017 naman ay nagkaroon ng karagdagang batas patungkol sa pagbibigay-galang sa pambansang awit.

Ang batas na ito na inaprubahan ng Philippine House of Representatives ay nagsasaad na “The singing (of Lupang Hinirang) shall be mandatory and must be done with fervour.” Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay magpapataw ng kaukulang multa o ‘di kaya ay pagkakakul0ng.

Hindi man nasusunod ang batas na ito sa lahat ng oras, ay mayroon pa ring mga Pinoy ang nagpapakita ng kanilang paggalang tuwing pinapatugtog ang Lupang Hinirang, nasa publiko man o wala.

Sa nakuhanan na litrato ng isang netizen na ngayon ay inupload ng Philippine Star sa kanilang Facebook page, makikita ang dalawang estudyante mula St. Augustine School of Nursing habang sila ay nakatigil sa gilid ng kalsada at nagbibigay-pugay sa pambansang awit.

Imahe mula kay Mark Anthony Garais via Philippine Star Facebook page

Ayon sa uploader na si Mark Anthony Garais, ang mga nasa litrato ay ang dalawa niyang kaeskuwela na late na raw sa flag raising ceremony. Ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi sila magbigay-galang sa pinapatugtog na Lupang Hinirang.

Kaya ko sila napicturan kase bihira na lang ‘yun sa katulad naming mga estudyante na humihinto kapag tumugtog na ang pambansang awit,” ani Garais.

Sources: Facebook, The Manila Times, Asia Pacific

Loading…