Dating aktres na si Jackie Forster, nagbalik-tanaw sa notebook na siya ang cover

Images via @jackie_forster | Instagram
  • Nagbalik sa nakaraan ang dating aktres na si Jackie Forster dahil sa isang notebook na siya ang cover
  • Kasalukuyan daw niyang iniipon ang mga memorabilya ng pag-aartista niya para maipakita sa kanyang mga anak
  • May hiling ang aktres sa mga nakapagtabi ng mga notebook at iba pang bagay na may litrato niya

Natatandaan mo pa ba ang mga usong notebook noong araw na ang cover ay ang larawan ng mga artista? Isa ang dating aktres na si Jackie Foster sa mga artista na nailagay ang imahe sa mga kuwaderno.

Image via @jackie_forster | Instagram

Sa Instagram, ini-upload ni Jackie — ina ng celebrity brothers na sina Kobe Paras at Andre Paras — ang litrato ng isang kuwaderno na larawan niya ang pabalat at mayroon pang “Jackie” na nakasulat. Patok na patok noon ang mga ganitong klase ng notebook, lalo na sa mga fans ng Pinoy celebrities.

Ani Jackie, kung mayroon pang nakapagtabi ng mga notebook na may larawan niya at iba pang memorabilya ng pag-aartista niya, sana raw ay ibahagi ito sa kanya para maipakita naman niya sa kanyang mga anak.

“Have a fresh start to your week! Happy Monday! If anyone has any more of these, please DM (direct message) me. I want to collect my old clippings or notebooks to share with my kids. Help, please. Thank you in advance!” saad niya sa caption.

Naaliw ang mga fans ni Jackie sa kanyang ibinahaging larawan. Sabi pa ng ilan, siya raw ang girl version ni Kobe.

Nagsimula sa showbiz noong 1992, ilan sa mga naging pelikula ni Jackie noon ay ang Teenage Mama (1993), Geron Olivar (1994), at Tus0ng Twosome (2001). Sumali rin siya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown noong 2011.

Sa kasalukuyan, bagama’t hindi na lumalabas sa telebisyon at sa mga pelikula, masaya si Jackie sa pagiging asawa at ina.

Image via @jackie_forster | Instagram

Sources: Facebook, Famous Birthdays, IMDB

Loading…