Dugong bughaw? Kaso ng babaeng naging kulay asul ang dugo, ipinaliwanag

Image via NEJM
  • Iniulat ng mga doktor sa Providence, Rhode Island ang kakaibang kaso ng isang 25-anyos na babae
  • Naging dark blue ang kulay ng dug0 ng hindi pinangalanang babae
  • Ayon sa mga doktor, isang over-the-counter toothache medication ang dahilan nito

Sa Pilipinas, “dug0ng bughaw” ang tawag natin sa mga taong nanggaling sa mararangyang pamilya. Madalas natin itong nababasa sa mga aklat ng panitikan o kasaysayan. Karaniwan din itong naririnig sa mga Tagalized cartoon series tungkol sa mga prinsipe at prinsesa. Ngunit posible pala talaga na magkaroon ng kulay asul na dug0 ang isang tao?

Image via Pixabay

Sa ulat ng dalawang doktor mula sa Providence, Rhode Island, inilabas nila ang kaso ng isang 25-anyos na babae na naging dark blue ang kulay ng dug0 matapos gumamit ng isang over-the-counter tootache medication na benzocaine.

Pumunta raw sa pagamutan ang isang babae matapos itong makaramdam ng panghihina, hirap sa paghinga, at isang sint0mas na naging dahilan para tingnang mabuti ang kas0 niya. Doon nakita na nagiging kulay asul na ang dug0 niya.

“She reported having used large amounts of topical benzocaine the night before for a toothache,” saad ng mga doktor na sina Otis Warren at Benjamin Blackwood sa case study na inilathala kamakailan sa New England Journal of Medicine.

Kuwento ni Warren sa CNN nagawa niyang tugunan ang pangangailangan ng babae sa sandaling iyon dahil may nahawakan na siyang ganitong kas0 ilang taon na ang nakararaan. Noong malaman daw niya na katulad nito ang sa babae, alam na niya kaagad kung ano-ano ang kailangang gawin. Paliwanag ng doktor, ang benzocaine na ininom ng babae ay nagsimula ng kakaibang reaction at nagresulta ito sa tinatawag na “methemoglobinemia”.

Maayos na ang lagay ng pasyente at nai-refer na rin ito sa isang dentista para sa sumasakit na ngipin niya.

Image capture via NEJM

Sources: NEJM, CNN, Oddity Central

Loading…