Frustrated singer na naging palaboy, biglang sikat dahil sa viral video habang umaawit

Image capture from @LAPDHQ's Twitter video
  • Nangarap si Emily Zamourka na maging mang-aawit ngunit hindi nagtagumpay
  • Nawalan siya ng matutuluyan at nagpagala-gala sa kalye
  • Isang araw, nakuhanan ng video si Emily at nag-viral dahil sa husay niya sa pag-awit

Sabi nila, may panahon ang lahat ng bagay. Kung hindi ngayon ang panahon mo, malay mo, hawak mo bukas ang bagay na noon ay pinapangarap mo lang — katulad ng nangyari sa Russian immigrant na si Emily Zamourka. Hindi siya pinalad noon na maging mang-aawit at nagpagala-gala na lamang sa kalaunan, ngunit ngayon ay hinahangaan na ng libo-libong tao.

Image capture from @LAPDHQ’s Twitter video

Umabot sa lampas 536,500 ang views ng video ng napakahusay na pagtatanghal ni Zamourka sa isang train station.

“Four million people call LA home. Four million stories. Four million voices…sometimes you just have to stop and listen to one to hear something beautiful,” saad ng officer ng Los Angeles Police Department sa caption ng post nito.

[Apat na milyong tao ang itinuturing na tahanan ang Los Angeles. Apat na milyong kuwento. Apat na milyong boses…minsan, kailangan mo lang huminto at makinig para mapakinggan ang isang napakagandang himig.]

Hindi nagtagumpay si Zamourka sa pangarap na maging mang-aawit, nagkaroon ng karamdaman, at nagpagala-gala na lamang sa mga kalye ng LA. Kuwento niya sa panayam sa kanya ng NBC Los Angeles, tanging ang $10,000 violin niya ang natira sa kanya; bagay na ginagamit niya para tugtugan ang mga dumadaan, hanggang sa may kumuha nito sa kanya.

“It was my income,” aniya. “It was everything to me.” [Ito ang kabuhayan ko. Ito ang lahat sa akin.]

Magiging masaya raw siya kung mabibigyan daw siya ng break dahil sa kanyang viral video dahil talagang ipinagdadasal niya na mabigyan ng pagkakataong maging singer, kahit pa wala siyang pormal na edukasyon.

Click the image to watch the video.

“If it’s God’s will for my life to change, then I will praise him and I will be so grateful,” wika pa ni Zamourka. [Kung kalooban ng Diyos na baguhin nito ang buhay ko, papupurihan ko siya at magiging sobrang saya ko.]

Sources: Twitter, NBC Los Angeles, Today

Loading…