Gulong ng motor ginagawang gilingan ng mais sa Dologon, Bukidnon

Imahe mula sa video ni Mavinotz Pay Imo | Facebook
  • Ang mga magsasaka ng mais sa Dologon, Bukidnon ay gumamit ng gulong ng motor para gawing gilingan
  • May mga natuwa sa naging diskarte nila subalit marami rin ang hindi sang-ayon dito
  • 2015 pa lamang ay may mga sumubok na na gawin ito at halatang noon pa man ay marami nang may puna rito

Dahil mahal ang pagpapagiling  ng mais ay naging mapamaraan ang mga magsasaka ng Dologon, Bukidnon.  Kita sa video ni Mavinotz Pay Imo na ginagamit ang gulong ng motor bilang gilingan.  Pinapaandar ang motor at habang umiikot ang likod na gulong nito ay saka naman ilalapit ang mais hanggang sa unti-unting matanggal ang mga butil.

Imahe mula sa video ni Mavinotz Pay Imo | Facebook

Ayon kay Marvinotz Pay Imo, ang diskarteng ito na tila naging kakompetensya na ng mga gilingan ay epektibo naman.  Ano naman kaya ang msasabi ng mga nakapanood nito? Narito ang iilan:

“Ang galing naman!”

“Woow sadyang matalino talaga ang pinoy haha maguol na ang shelleran kay naay bag ong imbinto si pinoy hehe..  Good job” – Malungkot na ang gilingan kasi may bagong imbento ang Pinoy. Good job

Datapwat may iba na ‘di maiwasang mag-alala para sa mga magsasaka.

“Hi, nice kaayo inyo idea.. Payo lng, pag cover or pag mask intawon ky poisonous kaayo ang binuga sa tambotso, atobang pa gyud ang usa sa tambotso ouh..” – Hi, magaling ang inyong idea. Payo lang, magtakip ng mask kasi poisonous masyado ang buga ng tambotso, nakaharap pa talaga ang isa sa tambutso oh.

“Amping basi maipit sa kadina.” – Ingat baka maipit sa kadena.

“Mata nato dha di mag kumpyansa. Kay way ika puli ana.”  – Ang mata natin diyan hindi tayo magkumpyansa. Kasi walang pampalit niyan.

“Hala naisip nyo pa gasolina, e kalusugan nila hindi.., nalalanghap nila yong tambutso.. Ako lang ba nkapansin.”

Kamusta naman kaya sa konsumo ng gasolina ang pamamaraang ito? Sinagot ni Mavinotz ang komento ng isang netizen.  Ibinahagi niya na hindi naman daw dahil  P300 lang ang nagastos sa 73 sako ng puso ng mais.
Imahe mula sa video ni Mavinotz Pay Imo | Facebook

Samantala, hindi ito ang pinaka-unang video ng  paggamit ng gulong ng motor bilang gilingan.  Dati pa man ay ginagawa na ito ng iba.  Noong 2015 ay may kahalintulad na video ang pinost ni GOV. Datu Rabh MD sa Facebook.  At marami ring negatibong puna ang natanggap nito dahil sa maliban sa mapanganib sa kalusugan at magastos sa krudo ay hindi rin malinis ang ganitong paraan ng pagtanggal ng butil ng mais.

Imahe mula sa video ni GOV.DatuRabh MD | Facebook

Tila likhang madiskarte ang mga Pinoy pero minsan ay mahalaga ring isaalang-alang natin ang ating kaligtasan, kalusugan at kapakanan sa mga gusto nating subukan sa buhay.

Sources: Facebook   Facebook   Facebook

Loading…