Hindi naman masakit: Estudyanteng walang reaksyon habang binabakunahan, kinaaliwan sa social media

Imahe mula sa Facebook account ni Leah Rodriguez
  • Ang school-based immunization na ginanap sa isang paaralan sa Quezon ay nag-trending sa social media
  • Isa sa mga estudyante na nagpakita ng pagwawalang-bahala habang binabakunahan ay naglikha ng mga “hugot” lines mula sa mga netizens
  • Samantala, ang nasabing pagbibigay ng bakuna ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa pagkalat ng tigdas

Kasabay ng patuloy na paglaganap ng mga sakit lalo na sa mga bata, ang pamahalaan – kasama pati na ang mga paaralan – ay patuloy na nagpapatupad ng mga programang makatutulong upang malabanan o maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman ng mga mag-aaral.

Imahe mula sa Facebook account ng Department of Health

At isa na nga sa mga programang ipinatutupad ay ang school-based immunization laban sa measles o tigdas na isinasagawa sa mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 6.

Kasabay ng magandang hangarin ng programang ito, ang nangyaring pagbabakuna na naganap sa Catanauan Central School sa Catanauan, Quezon ay nag-trending sa social media kamakailan.

Sa mga larawan na in-upload sa Facebook ng isa sa mga guro ng paaralan na si Ma’am Leah Rodriguez ay namataan ang isang estudyanteng babae na tila walang reaksyon o hindi man lang nasasaktan habang siya ay tinuturukan gamit ang injection.

Ang reaksyon nito ay taliwas sa normal na pakiramdam ng mga bata na natatakot sa posibleng kirot na dulot ng karayom, gaya ng ipinakita ng mga kapwa estudyante nito sa larawan. Sanay na raw kasi siya, ayon sa tugon ng guro sa isang nagtanong kaugnay sa batang sobrang kalmado sa ginagawang pagbabakuna sa kanya.

Halo-halong nakaka-good vibes na mga reaksyon at komento ang ang naikonekta ng mga netizens sa viral photo na ito.

Bukod sa ilang humanga sa tapang na ipinakita nito, may mga nakapansin din sa pagkakahawig nito sa batang binansagan na “You Do Note” Girl.

Imahe mula sa Facebook account ni Leah Rodriguez

Samantala, sa ngalan ng humor ay hindi pinalampas ng mga hugutero at huguterang mga netizens sa social media ang larawan ng mag-aaral at iniugnay ito sa usaping pag-ibig.

Ang ilan sa mga komento at captions ay: “Baliwala, mas masakit pa yung iwanan ka ng taong mahal mo.”

“Nung wala ka nang maramdamang sakit kasi sanay ka na”

“Manhid sa pag-ibig be like…”

“U do note, the injection is ma payk”

“Yung kailangan mong ipakita na strong ka, kahit na deep inside ang sakit-sakit na.”

Imahe mula sa Facebook account ni Leah Rodriguez

Sa ngayon ay mayroon na itong humigit-kumulang na 10,000 shares sa Facebook.

 

Sources: Facebook Facebook

Loading…