Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria, magbabalik-tambalan sa isang series

Image via Ian Veneracion | Instagram
  • Magbabalik-tambalan sa isang series sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria
  • Makakasama ng dalawa sa iWant Originals film na My Single Lady si Zanjoe Marudo
  • Bukod sa pagiging lead actress, si Jodi rin ang producer ng six-part digital series

Na-miss mo ba ang tambalan nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria? Huwag kang mag-alala, malapit mo na ulit mapanood sa isang proyekto ang dalawa.

Magkakasama ang dalawa sa iWant Originals movie na My Single Lady; kung saan tampok din ang aktor na si Zanjoe Marudo. Ang serye na ito ay “love letter” daw ng director na si Carlo Catu para sa kanyang kapatid na isang single mother.

Image capture from Star Cinema

“Mayroon siyang seven-year-old boy na si Red. Sa kanya ang importante ay mag-survive silang mag-ina and backseat muna ang love kasi ang focus niya is really the child,” kuwento ni Jodi tungkol sa character niya. “But she’s fun, she’s light and a big fan of Regine Velasquez na lumaki siya na ang akala niya si Regine ang nanay niya. Super fan siya ni Regine.”

Sabik na rin si Ian na magawa ang six-part digital series kasama ang kanyang leading lady sa Pangako Sa ‘Yo at The Achy Breaky Hearts.

“No’ng sinabi sa akin definitely, of course, I’m going to support Jodi. Ang ganda ng concept, ng script, ng dialogue, so parang lalo akong na-excite, siyempre. Hindi lang ako nandito dahil sa sumsusuporta ako sa kaibigan kung hindi gusto ko rin talaga ‘yung project,” wika ni Ian tungkol sa upcoming series nila.

Excited na rin daw si Marudo, “Marami na naman akong nagawang light pero first time ko na makakagawa ng ganitong character. Siyempre, makakatrabaho ko si Jodi for the first time sa TV, tapos may romantic ano pa. Tapos si Ian.”

Image via @reymabd | Instagram

Balikan ang isa sa mga naging proyekto nina Ian at Jodi, ang remake ng hit television series na Pangako Sa ‘Yo:

Sources: ABS-CBN, YouTube

Loading…