John Arcilla sa Ang Probinsyano-inspired ‘save the earth’ placard: Funny, relevant, reassuring

Images via John Arcilla | Facebook
  • Ini-upload ng aktor na si John Arcilla ang isang “FPJ’s Ang Probinsyano”-inspired placard
  • Saad ng placard: Save the earth so we can watch “Ang Probinsyano” season 30
  • Gumaganap si Arcilla bilang Renato Hipolito, isa sa mga kontrabida ng show na umere simula pa noong 2015

Ibinahagi ng actor na si John Arcilla ang isang “FPJ’s Ang Probinsyano”-inspired placard na nananawagan sa mga tao na pangalagaan ang kapaligiran.

Sa photo na ini-upload ni Arcilla sa Instagram, makikita ang isang lalaking pr0tester na may hawak na placard na nagsasabing, “Save the earth so we can watch ‘Ang Probinsyano’ Season 30.”

Image capture from Instagram

“Such a wonderful Sunday! Seeing this on my feed is both funny, relevant, and reassuring. A Sunday full of fun and Blessings to everyone!” saad ni Arcilla sa caption ng litrato na ibinahagi niya; isang larawan na nagdala ng good vibes sa kanyang followers dahil bukod sa binanggit ang show sa placard, nanawagan din ito para sa ikabubuti ng ating planeta.

Naka-tag sa kanyang Instagram post ang bida na si Coco Martin at ang ilan sa mga kasamahan nila sa nasabing palabas na sina Rowell Santiago, Lorna Tolentino, Angel Aquino, at iba pa.

Taong 2015 noong magsimulang umere ang hit primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” at simula 2017 ay bahagi na ng palabas si Arcilla na gumaganap bilang Renato Hipolito, isa sa mga kontrabida ng show.

“Palagay ko ay dama rin ng mga manonood na ginagawa namin ang lahat ng makakaya para bigyan sila ng dekalidad na palabas. Kaya nandiyan din ang dedikasyon nila sa pagsubaybay,” matatandaang sinabi noon ni Arcilla.

Image via John Arcilla | Facebook

Narito ang isa sa mga eksena ni Arcilla sa “FPJ’s Ang Probinsyano”:

Sources: Instagram, YouTube

Loading…