Kahanga-hanga: Masunuring jeepney driver ng Cavite, ipinagmalaki ng pasahero

Imahe mula sa Facebook account ni Deigh Garcia
  • Jeepney ‘driver’ sa Cavite hindi pinagbayad ang mga kasamang anak ng isang pasahero
  • Masayang ibinahagi ng pasahero sa social media ang naging mabuting karanasan nito
  • Umani ng positibong reaksyon ang ginawa ng drayber na ikinumpara pa sa iba

Setyembre 14, araw ng Sabado ay sumakay si Deigh Garcia sa isang jeep kasama ang kanyang dalawang anak na apat at anim na taong gulang na isasama niya sana sa trabaho.  Napag-isipan niyang ipagbayad din sila dahil konti lang naman umano ang mga sakay at para kita na rin sana ni manong drayber.

Imahe mula sa Facebook account ni Deigh Garcia

Inabot niya ang isang daan at sinabing para sa tatlong Trece ito subalit laking gulat na lamang niya na ang binawas ni manong ay para sa isang tao lang.  Nang ibinabalik na niya ang sobra  ay sinagot siya nito na, “Walang bayad ang mga bata. Kasama ‘yon sa seminar ng mga driver.”  Dagdag pa nito sa katabi na kapag sampu na ang edad ng bata ay saka lang may bayad.

“Hindi ako sigurado kung anong seminar yon, pero sure ako sa tagal ko ng nagbabyahe kasama ang mga anak ko never silang nalibre ng pamasahe sa jeep. Lagi pa ngang tinatanong ng mga driver o dispatcher – May bayad ba yung bata!? Kasi kung wala dapat kandungin kasi may iba pang sasakay,” lahad ni Deigh sa kanyang post.

Kaya labis ang pasasalamat ni Deigh dahil ngayon lang daw nalibre sa pamasahe sa jeep ang mga anak niya.  Palagi raw silang tinatanong ng ibang drayber o dispatcher kung ipagbabayad ang bata.

‘Di niya mapigilan na kunan ng litrato si manong at ipost sa social media.  Para sa kanya, bihira na raw ang mga drayber na ganito dahil ang iba ay mapanlamang sa pamamasada.  Nangibabaw raw sa kanya ang prinsipyo na patas at makatao.

Muli siya umanong nagpasalamat sa drayber pagkababa ng jeep.

Marami rin ang  pumuri kay manong drayber sa post ni Deigh na mayroon na ring 17k reactions at 5.1k shares sa Facebook. Ang iba naman ay hindi napigilang maikumpara siya sa ibang namamasada.

“SALUTE manong Driver..”

“Good job manong.. Dumami sana katulad nyo..”

“‘Yan ang mga driver, hindi mapagsamantala, good job manong driver, sana marami pang kagaya nyo.”

Saludo rin po kami sa iyo manong drayber at sana’y dumami pa ang maging kagaya mo!

Imahe mula sa Facebook account ni Deigh Garcia

Source: Facebook

Loading…