‘Kaya nagtatagal gumamit ang iba?’ ATM na may ‘computer’, kinaaliwan sa social media

Image via Mil Manguerra | Facebook
  • Kinaaaliwan sa social media ang larawan ng isang ATM na may “computer”
  • Marami ang naaliw sa post dahil matagal-tagal na ring may memes sa social media tungkol sa mga taong matagal gumamit ng ATM
  • Pero kuwento ng nag-post ng litrato, may inaayos lamang sa machine kaya ganoon ang hitsura nito

“Bakit kaya may mga taong matatagal gumamit ng ATM? May Facebook ba roon at nag-i-status muna? May Netflix ba, kaya puwede manood at mag-chill?”

Image via Pixabay

Matagal-tagal na ring kinaaaliwan sa social media ang mga memes na tungkol sa mga taong matagal gumamit ng ATM o automated teller machine. Minsan daw kasi, kung kailan nagmamadali ay saka pa matatagal ang mga nasa unahan ng pila. Minsan naman, may mga natitigilan kapag pagkakataon na nila; para bang inaalala muna kung ano ang password nila. Ang iba, ang dami raw pinipindot na animo nag-i-internet na. Ang ilan, nakatingin lang sa screen na parang nanonood.

Kaya naman marami ang naaliw sa larawang ini-upload ng isang social media user: isang ATM na mayroon “computer”.

“Ngayon alam ko na kung bakit nagtatagal ang iba sa ATM,” pabirong caption ng nag-post na si Mil Maguerra.

“Baka raw may pa-free Facebook si Landbank ATM,” kumento ni Marianne Fabian.

“Ganyan na pala ATM diyan, free na mag-Facebook,” saad naman ni Leticia Torcuator Manguerra.

Kuwento ni Emil sa pamamagitan ng Facebook Messenger, ang ATM daw sa larawan ay matatagpuan sa may Department of Budget and Management. Gayunman, wala naman daw kahit anong kakaiba sa machine na ito. Nagkataon lang daw talaga na mayroong inaayos sa system nito nang mapadaan siya kaya ganoon ang hitsura nito. Pang-humor lang ang pagpo-post nito.

Image capture from Facebook

Source: Facebook

Loading…