LOL: Kakain ka ba ng doughnut na ang sprinkles ay bigas?

Images via Nig Gani | Facebook
  • Ibinahagi ng isang netizen ang larawan ng isang doughnut na bigas ang toppings
  • Sa Facebook group na Top Tier Angryp0sting, ibinahagi ng isang member ang kakaibang doughnut
  • Nakakuha na ng libo-libong shares ang post na ito

Isa ka ba sa mga mahilig kumain ng doughnuts? Sa kasalukuyan, hindi maitatanggi na kabilang ang doughnuts sa mga popular at paboritong meryenda o panghimagas ng marami.

Image via Pixabay

Iba-iba man ang panlasa ng tao at magkakaiba man ang gustong flavor ng bawat isa, hindi maikakaila na madalas mapasama ang doughnut sa hapag-kainan; sa mga simpleng kuwentuhan ng magkakaibigan, sa “me time”, maging sa mga business meeting din kung minsan, at iba pa. Tinatangkilik ito ng mga bata man o ng matatanda; hindi man pare-pareho ang hilig at personalidad, anuman ang estado sa buhay.

Ngunit kakain ka pa rin ba ng doughnuts kung medyo kakaiba ito? Kung hindi ordinaryong toppings ang nakalagay dito?

Sa Facebook group na Top Tier Angryp0sting, ibinahagi ng isa sa mga miyembro na si Nig Gani ang isang kakaibang doughnut na sa halip na ang mga karaniwang toppings o sprinkles ang nasa ibabaw ay mga butil ng bigas ang siyang nakalagay. Walang nakalagay na caption sa mga larawan ngunit sa unang tingin pa lang dito ay mapapatanong ka na sa sarili mo, “Kakain ba ako nito?”

At ang tanong na ito ay sinagot ng mga members sa comments section ng post; maging ng mga netizens na nag-share nito sa labas ng group. Marami rin ang natawa lamang sa post, lalo na at may naka-pose pa sa gitna ng isa sa mga doughnut; habang mayroon din daw mga naumay sa nakita.

Ikaw ba, handa ka bang subukan ang ganitong klase ng doughnut? O isa ka roon sa mga napasambit ng, “How to unsee?”

Image via Nig Gani | Facebook

Source: Facebook

Loading…