Love conquers all: Groom na kalahati ang height kay bride, isang inspirasyon sa kuwento ng tunay na pag-ibig

Imahe mula sa Facebook Account ni Roque Tapales
  • Isang kuwento ng pag-iibigan ang umani ng paghanga sa social media
  • Sa kabila ng kondisyon ni Roque, na kalahati lang ng tangkad ni Joy, ay pinili pa rin siyang mahalin at pakasalan nito
  • Viral na ngayon ang wedding pictures ng mag-asawa

In love, height doesn’t matter – ito ang pinatunayan ng bagong kasal na sina Roque Tapales at Mary Joy Arroyo ng Zamboanga City.

Sa viral pictures ng kanilang mga kasal, kitang-kita ang malayong agwat ng height ng dalawa. Si Roque ay nasa tatlong talampakan lang habang nakatayo sa tabi niya ang halos doble ng kanyang height, si Joy.

“When love conquers all, nothing stands in the way, not a cloud not a storm, not a negative thing,” ani Zamboanga City Mayor Beng Climaco na siyang nagkasal sa dalawa. Sa parehong post, sinabi rin ni Climaco na may iba’t-ibang kondisyon sa kalusugan si Roque – dahilan para hindi siya tumangkad tulad ng karamihan.

Ngunit sa kabila ng pagkakaiba, hindi ito naging hadlang at nauwi rin sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

Imahe mula sa Facebook Account ni R.Tapales

Nagpaabot naman ng inspiring messages ang napakaraming netizens.

“Unconditional love, may pusong busilak yung mga taong hindi tumitingin sa panlabas na anyo… souls recognize each other by vibes, not by appearances,” komento ni P. Rhoza.

Ayon naman kay M. Gonzales, “yan ang tunay na pagmamahalan… walang pinipili.”

Ibinahagi naman ni Jason Cardente  kung paano sila nagkakilala ng kaibigang si Roque. Halos isang dekada na noong magkakilala sila ni Roque sa isang gift-giving ng isang foundation.

He was that young man in a bike wheelchair… When few of a  kind hearted volunteers of TZU CHI Fondation help him in his situation,” banggit ni Cardente.

Imahe mula sa Facebook account ni R. Tapales

Pasasalamat naman ang mensahe ni Roque sa lahat ng sumuporta sa kanila lalo na sa mga tumulong para matupad ang kasal nila ni Joy noong Agosto 13, 2019.

“Kapag may gusto ka gawin, pag pray mo at humingi ka ng authority  sa kanya sa panginoon at wag ka susuko, try and try,” payo ni Roque na ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Batay naman sa mga komento ng netizens, si Roque ay nakilala dahil sa pagiging magiliw na elevator operator sa isang mall sa Zamboanga.

 

 

Sources: Facebook , Beng Climaco Facebook account

Loading…