Magkasintahan, isinama ang mga alagang aso sa kanilang prenuptial photo shoot

Imahe kuha ni Mark Candido via Philippine Star Facebook page
  • Patok ngayon ang iba’t ibang pakulo at tema tuwing magkakaroon ng prenuptial photo shoot ang mga magkasintahan
  • Isang magkasintahan ang isinama ang kanilang mga alagang aso sa litrato ng kanilang prenuptial
  • Umani ang larawan ng iba’t ibang reaction mula sa mga netizens na dog lovers at ang iba ay nagkomento pa na nakakuha raw sila ng ideya para sa kanilang prenuptial
Imahe mula Unsplash

Sa pagiging makabago ng mga teknolohiya, paglabas ng mga modernong camera, at pagsikat ng iba’t ibang social media platforms, nabago na rin ng mga ito ang tradisyunal na pamumuhay ng mga Pinoy.

Maraming mga makabagong trabaho ang naibigay ng modernisasyon, tulad na lamang ng pagiging drone operator para sa iba’t ibang events tulad ng prenuptial photo shoot.

At speaking of prenuptial pictorials, nauuso na rin dito ang iba’t ibang pakulo ng mga magkasintahan upang masabing kakaiba ang kanilang mga litrato kumpara sa tradisyunal na pictures.

Marami nang mga pictorials ang nag-viral sa social media dahil sa kakaibang tema nito at hindi pangkaraniwang nakikita ng maraming tao.

Kamakailan ay ibinahagi ng FB page ng Philippine Star ang litrato ng isang magkasintahan sa kanilang prenuptial photo shoot. Ang litrato ay mayroon nang 21k reactions na ang kalimitan ay ang “heart react” mula sa mga netizens.

Imahe kuha ni Mark Candido via Philippine Star Facebook page

Kalimitan ay ang magkasintahan lang ang makikita sa mga litrato ng prenuptial habang sweet na sweet na pumo-pose sa harap ng camera.

Ngunit sa prenuptial photos na ito, isinama ng magkasintahan ang kanilang mga alagang aso na sweet na sweet rin sa isa’t isa.

Makikita sa harap ng larawan ang mga alagang aso na tipong pumoporma rin sa camera na tila naglalambingan, habang nasa background naman nila ang mga amo na sweet na sweet rin habang magkahawak kamay at naglalambingan.

Ayon sa groom-to-be na si Ruel Peduche, naisipan raw talaga nila ng kaniyang kasintahan na si Rezzle Masa na isama ang mga alagang aso sa kanilang prenuptial photos, ngunit ang larawan na viral ngayon ay candid shot lang umano.

Sa katunayan, ang dalawang aso umano sa litrato ay parehong babae at may pangalan na “Kikay” ang limang buwang gulang na alagang Pomeranian ni Peduche at si “Chichi” ang walong buwang gulang na Dachshund na alaga naman ni Masa.

Ibinahagi ni Peduche sa Philippine Star: “Binaba lang po sila dun [tapos] naglalandian [na] sila, habulan nang habulan.”

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa litrato at lalo na sa mga alagang aso nina Peduche at Masa. Habang  may mga iba rin na nakakuha ng ideya na isama rin ang kanilang mga aso sa kanilang prenuptial photo shoot.

Source: Facebook

Loading…