Mamimigay ng pera, atbp.: ‘Little Mayor’ na si Aaron Sunga, kinaaaliwan sa social media

Image capture from Airej Bautista's video | HYPE Capampangan's FB page
  • Kinaaaliwan ngayon sa social media ang  tinaguriang “Little Mayor” na si Aaron Sunga
  • Sa isang video, inisa-isa ng bata na parang matanda kung magsalita ang mga gagawin niya kapag siya ay naging alkalde na
  • Ibinahagi ng isang page ang video niya at doon ay nakakuha ito ng mahigit 3.8 million views

Bibo, parang matanda kung magsalita, at higit sa lahat ay maraming plano para sa lugar nila — iyan ang nakaaaliw na batang si Aaron Sunga, na nagbabalak daw tumakbo bilang alkalde ng lungsod nila.

Image capture from Airej Bautista’s video | HYPE Capampangan’s FB page

Sa isang video, inisa-isa ng bata ang mga gagawin niya kapag siya ay naging mayor na: ang paglilinis ng mga kalat, pagpapagawa ng mga kalsada, pagpapalagay ng aircon sa court na pinaglalaruan nila, at marami pang iba.

“‘Yang dagat na ‘yan, ipapatanggal ko nang wala nang malun0d. At ang ilog, ipapatanggal ko na rin,” sabi pa niya. “‘Pag nanalo akong mayor, mamimigay ako ng pera. Pangako ko sa inyo….Pinapangako ko sa inyo, mabait ako sa mga tao. Pinapangako ko sa inyo, walang masasaktan dito. Ipinapangako ko sa inyong lahat ‘yon, na malilinis ‘tong Pag-asa na ‘to.”

Ngunit para magawa niya lahat ng kanyang mga ipinangako, kailangan daw muna niyang manalong mayor sa kanila.

“Iyong kalaban ko, talo na ‘yon, walang maipapagawa,” pagyayabang niya sa mga kasama niya sa court, habang tila hinihitit ang wafer stick na kinakain niya. “Kapag ako natalo,wala akong maibibigay kaya hindi ako papatalo.”

Ibinahagi ng page na HYPE Capampangan ang video niya at doon ay nakakuha ito ng mahigit 3.8 million views, as of posting. Mayroon na rin itong 76,000 reactions at 97,000 shares.

Samantala, hindi raw hihinto sa pagiging mayor si Aaron. Ngayon pa lang ay may binabalak na ito.

“Pagkatapos ko ng mayor, congressman naman ako…at kapag nanalo ako na congressman, ipapaayos lahat,” aniya.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Sources: Facebook, Facebook

Loading…