Masayang balik-tanaw: Dolphy at Babalu sa mga nakakatawang eksena sa Home Along Da Riles

Image capture from Jeepney TV's YouTube video
  • Isa ang Home Along Da Riles sa mga comedy shows na nagpasaya noon sa mga manonood
  • Umere ito noon sa ABS-CBN simula 1992 hanggang 2003
  • Kabilang sa mga pinakapaborito ng marami ang mga komedyanteng sina Dolphy at Babalu

Isa ang Home Along Da Riles sa mga comedy shows na talagang nagpasaya noon sa mga manonood; simula noong dekada 90 hanggang sa pagpasok ng bagong milenyo.

Umere sa ABS-CBN simula 1992 hanggang 2003, itinatampok sa Home Along Da Riles ang ilang iconic comedians; simula sa bida nitong si Comedy King Dolphy (Kevin) hanggang sa isa pang bantog na komedyante na si Babalu (Richy).

Image capture from Jeepney TV’s YouTube video

Sa YouTube account ng Jeepney TV, ibinahagi nito ang isang compilation video ng funny moments nina Kevin at Richy — bagay na ikinatuwa ng maraming YouTube users na itinuturing pa rin na isa sa best comedy tandem ang Dolphy-Babalu.

“Miss the old times. One of the best comedy duos!” saad ng YouTube user na si Troy Daniels.

“Solid talaga noon, the best! ‘Yong dating comedy, nakaka-miss. Kung puwede lang maibalik mga totoong legend sa komedya,” sabi naman ni Zylicaly Jmbnsg.

“Classic talaga Dolphy at Babalu, sobrang laughtrip! HAHAHA,” kumento ni Jpet Langreo.

“Simpleng linyahan lang nila matatawa ka na. Big respect to old school!” wika ni Idea.

Samantala, bukod pa kina Dolphy at Babalu, hindi rin makalilimutan ng mga tao ang roles nina Nova Villa (Ason), Carding Castro (Elvis), Smokey Manaloto (Bill), Gio Alvarez (Bob), Claudine Barretto (Bing), Vandolph Quizon (Baldo), Boy 2 Quizon (Estong), Bernardo Bernardo (Steve), Ces Quesada (Bridge), Maybelyn Dela Cruz (Maybe), Cita Astals (Hilary), at Dang Cruz (Roxanne).

Image capture from Jeepney TV’s YouTube video

Balikan ang ilan sa mga nakakatawang eksena nina Dolphy at Babalu sa iconic comedy show:

Sources: YouTube, Wikipedia

Loading…