Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida, nilinaw ang ugnayan niya kay Kuya Wil

Image capture from YouTube | ABS-CBN Entertainment/GMA Network
  • Nilinaw ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella “Ara” Arida ang ugnayan niya sa Wowowin host na si Willie “Kuya Wil” Revillame
  • Wika ni Ara, iginagalang at itinuturing niyang kuya ang noon pa nali-link sa kanya na si Kuya Wil
  • Matatandaang naging co-host ni Kuya Wil si Ara sa Wowowin simula 2016 hanggang 2017

Nagkaroon ba ng espesyal na ugnayan si Miss Universe 2013 third runner-up Ariella “Ara” Arida sa Wowowin host na si Willie “Kuya Wil” Revillame?

Image capture from YouTube | ABS-CBN Entertainment

Sa isang panayam sa Tonight With Boy Abunda (TWBA), nilinaw ni Ara, iginagalang at itinuturing niyang kuya ang noon pa nali-link sa kanya na si Kuya Wil.

“Tito Boy, alam naman ni Kuya Wil na, ‘Kuya Wil. Hi, Kuya!’ Mataas ang respeto ko kay Kuya Wil and ako naman, I can attest, Tito Boy, na never ko naman na-feel na, alam mo ‘yon,” wika ng beauty queen-turned-actress-host.

Matatandaang naging co-host ni Kuya Wil si Ara sa Wowowin simula 2016 hanggang 2017. Gayunman, tiniyak ni Ara na magkaibigan lamang sila noon at kailanman ay hindi sila nagkaroon ng espesyal na ugnayan.

“In fairness si Kuya, lagi niyang sinasabing, ‘Hindi ako ang type niyan.’ Sabi ko, ‘Ay, alam niya pala!’ Ha ha ha! Joke! Ha ha ha!” pabirong sabi ni Ara na hanggang ngayon ay mabuting kaibigan daw ni Kuya Wil.

“Ang taas ng respeto ko. Kasi kung ako, kung may ma-feel ako na something against my paniniwala sa buhay, hindi ako magtatagal nang ganoon. Like, we’re in good connection, good friends, ganiyan. I wouldn’t be like that,” sabi pa ng aktres.

Kasalukuyang gumaganap si Ara biang Tatiana Dela Torre sa hit primetime series na The Killer Bride. Sa nasabing TWBA episode, pinasalamatan din niya ang mga patuloy na sumusubaybay sa serye na palagi nang trending sa simula pa lamang.

Image capture from YouTube | ABS-CBN Entertainment

Noong May 2016, pormal na ipinakilala ng Wowowin host na si Willie Revillame ang pinakabagong makakasama nila sa show, si Binibining Pilipinas Universe 2013 Ariella Arida:

Narito ang Tonight With Boy Abunda episode kung saan nilinaw ni Ara na nirerespeto niya si Kuya Wil bilang isang kuya:

Loading…