MMK memories: Ang pagsisikap, pagpupunyagi, at pagtatagumpay ni ‘Yorme’

Images via iWant
  • Itinampok sa Maalaala Mo Kaya noong 2004 ang kuwento ng buhay ni Manila Mayor Francisco Domagoso
  • Bago naging “Isko Moreno” ng Philippine showbiz, napakaraming pinagdaanan ng simpleng Manilenyong si “Iskat”
  • Mapapanood sa iWant ang MMK episode na pinamagatang “Aklat”  

Bago hinangaan bilang isang mahusay na public servant, hindi naging ganoon kadali ang naging buhay ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Image via iWant

Bago naging “Isko Moreno” ng Philippine showbiz, napakaraming pinagdaanan ng simpleng Manilenyong si “Iskat”.

Sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na ipinalabas noong 2004, ipinakita kung paano hinarap ng batang Isko ang kahirapan at kung paanong sa murang edad ay nabuo na sa isipan nito ang pangarap na mapaginhawa ang buhay nila.

Nagsikap ito sa pag-aaral kahit na walang baon pera at kinakain lamang ang mga tira ng kaklase niyang may pambili sa paaralan. Nagtatrabaho rin ito sa murang edad at maging ang pag-ibig ay kanya munang isinantabi. Ipinakita rin kung gaano katindi ang pananalig nito sa Panginoon simula sa pagkabata.

Ginampanan ng dating aktor na si Danilo Barrios ang papel ni Moreno noong lumaki na. Ipinakita ang mga sandali kung kailan nakikiusap ito dahil kulang ang pambayad sa eskwela; maging ang mga pagkakataong sumusuko na at nagtatanong na sa Diyos. Kabilang din sa mga itinampok sa istorya ang pagsali niya sa That’s Entertainment at kung paano siya nagtiyaga kahit nilalait ng mga kapwa artista; maging kung saan at paano niya hinuhugot ang emosyon bilang aktor.

Kaya naman noong maging konsehal at ganap na public servant, nagsimula na itong tumulong sa mga batang katulad niya noon. Sa tuwing mabibigyan ng pagkakataong magsalita sa mga kabataan, nagbibigay siya ng pangaral at ikinukuwento ang kanyang pinagmulan upang magbigay ng inspirasyon.

Image via iWant

Hindi nga marahil mahalaga kung saan ka nagsimula; ang mahalaga ay kung paano ka nagpatuloy at kung gaano kalayo ang narating mo sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan mo.

Mapapanood sa iWant ang 2004 episode ng MMK kung saan tampok ang istorya ng nag-iisang “Yorme” (mayor) ng Maynila.

Image via iWant

Source: iWant

Loading…