“Papogi ka nang papogi”: Paglalarawan ni Mayor Isko sa labindalawang lisensiya ng isang drayber

Click the image to watch the video shared by LMR TV via Youtube
  • Isang drayber ang paulit-ulit na nakakuha ng bagong lisensya mula 2013 kahit na ‘di nagbabayad ng ‘traffic violations’
  • Umabot sa labindalawang plastic ang ‘di niya tinubos sa LTO
  • Amnesty program ipinatupad bilang solusyon ng pamahalaan para gumaan ang babayaran

Paano nga ba umabot sa P135,900 ang simpleng P2,000 lang sana na ‘violation fees’ ng isang drayber?

Click the image to watch the video shared by LMR TV via Youtube

Timbog kay Mayor Isko Moreno ang isang nagngangalang Joey Lasco Bantilan na may labindalawang lisensiya at papel ng pagkakahuli.  Sa video ng kanyang programang The Capital Report, isiniwalat nito ang istilo ng isang drayber upang maiwasang bayaran ang kanyang ‘traffic violations’ mula 2013 hanggang 2019.  Nadiskubre ni yorme na marami ang mga gumagawa nito na inakala nilang hindi mabibisto ng pamahalaan.

“Tutal niloloko mo kami. Sisikat ka ngayon.” sabi niya.

Inisa-isang ipinakita ni Mayor Isko ang mga plastik ni Joey Bantilan mula 2013 hanggang 2014 at napamangha siya dahil kahit na natiketan ito ng dalawang beses ng 2014 ay nakakuha pa rin ito ng panibagong ‘driver’s license’.  Napatawa pa ito dahil sa nakitang papogi nang papogi ang drayber sa mga IDs nito.

“Noong 2013 nahuli siya. Nasa amin pa yong lisensiya.  Noong 2014 nahuli din siya.  Paano siya nagkaroon nito (lisensiya)? Di ba pag ganon tutubusin? Ang tawag ho dito tolongesan!”

Kuwento niya na kapag nasa LTO na ang lisensiya ng drayber ay hindi nito tutubusin kundi pupunta ito sa Lungsod ng Maynila at magdadala ng Affidavit of Loss.  Dahil dito makakakuha ng panibagong plastik ang drayber sa LTO dahil hindi umano konektado ang mga ‘data’ ng dalawang opisina.  Subalit sa kanyang pamamahala ngayon ay hindi na ito mangyayari.

At sa mismong panunungkulan niya ay sumubok pa rin umano itong makakuha ng lisensiya noong Hulyo lamang.

“Darating at darating ang panahon na may lider ang pamahalaan na lilingunin ang kabulokan ng nakaraan, ” aniya.

Dahil sa hindi pagbayad ay lumobo nang lumobo ang kabuuang halaga na kanyang babayaran.  Mula sa P2,000 lamang ay umabot na ito sa P135,900 dahil sa mga ‘penalties, surcharges at interests.’  Paano pa ba masosolusyonan ni manong drayber ang halagang ito?

Sa ikalawang bahagi ng kanyang programa ay sinabi ni mayor na ‘principal amount’ na lamang ang kokolektahin ng gobyerno sa mga ‘traffic violations’ na naipon mula pitong taon pababa.  Ito ay dahil sa ‘amnesty program’ na ipatutupad niya.

Click the image to watch the video shared by LMR TV via Youtube

“Yan ang solusyon na ipinagkakaloob namin sa inyo ng bagong pamahalaan ng lungsod ng Maynila.”

Samantala ay biglang lumindol nang nagbabasa ng mga ‘shout-outs’ si yorme.   At pakomedya naman siyang nagsabi, “Ang sama ko palang kumanta!  Kayo naman, kumanta lang ako sana kahit umulan lang eh.”

Si Mayor Isko Moreno ay sikat ngayon dahil sa istrikto niyang pagpapatupad ng mga batas.  At dahil dito ay inihahalintulad siya sa pamamalakad noon ni Pangulong Duterte na minsan naring naging mayor.

Sources:  Youtube   Youtube

Loading…