‘Rare photo’: A-Lister Queens ng PH Cinema, hiling ng fans na magsama sa isang pelikula

  • Trending ang larawan nina Bea(Angelie) Alonzo, Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Anne Curtis sa after party ng ABS-CBN Ball 2019
  • Ang larawan ay naka-post sa social media accounts ng apat na aktres
  • Bukod sa positibong reaksyon, humihiling ang mga fans ng isang movie project na pagbibidahan nilang apat

Maaaring natapos na ang pinaka-inabangang ABS-CBN Ball 2019 noong nakaraang Sabado, subalit ang mga nakuhanang larawan sa kaganapang iyon ay patuloy pa ring gumagawa ng ingay sa social media ngayon.

Imahe mula sa Instagram account ng ABS-CBN

Maliban sa magandang hangarin ng taunang event na ito ng ABS-CBN upang makatulong sa Bantay Bata 163, patuloy na usap-usapan sa online world ang mga kaganapan sa event gaya ng mga magagara at creative na mga kasuotan ng mga artista, ang mga love teams na nagpakilig sa mga fans, at maging ang mga istorya sa likod ng mga idolo natin na mag-isang lumakad sa red carpet.

Ngunit bukod sa mga ito, ang mga precious moments ng mga magkakaibigang artista sa Kapamilya network na nasaksihan sa gabing iyon -ang isa sa mga nag-trending sa social media.

Ang nakuhaang larawan kung saan magkakasama sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Anne Curtis sa after party ng ginanap na ball ang pinakapumukaw sa atensyon ng maraming netizens.

Sa Instagram account ng bawat aktres ay naka-post ang nasabing larawan, at umani ng positibong reaksyon mula sa mga kapwa celebrities, at mga fans.

Imahe mula sa Instagram accounts nina Anne Curtis at Bea Alonzo

Hindi man dumalo si Angel Locsin sa main event ay nagpakita naman ito sa after party.

Sa Instagram caption ni Angelica Panganiban ay sinabi nito na, “Flex ko lang din mga beshies ko”.

Samantalang sa Instagram ni Anne Curtis ay inihayag nito na magkakaiba man sila ng personalities, silang lahat ay may strong hearts.

Dahil dito, maraming fans ang nag-request na sana ay magkaroon sila ng isang movie project na pagbibidahan nilang apat.

Samantala, isa sa mga nagkomento ay nagsabing, habang silang apat ang bida, si Dimples Romana naman na kilala bilang Daniela sa hit series na Kadenang Ginto ang gaganap na kontrabida. Tumugon naman dito ang KG star: “I would love that! I love all four.”

Imahe mula sa Instagram account ni Anne Curtis

 

Sources: Instagram Instagram Instagram Instagram

Loading…