Reaksyon ng lola sa kakaibang kandila sa kanyang birthday cake, pinasaya ang netizens

Image capture from Pinoy viral's Facebook video
  • Naaliw ang maraming netizens sa video ng isang lola na sinurpresa sa kanyang kaarawan
  • Kakaibang klase kasi ng kandila ang nakalagay sa kanyang birthday cake
  • Napasigaw ito sa gulat nang makita ang nangyari sa kandila — pagkagulat na napalitan din ng tuwa sa kakaibang surpresa

Kinaaliwan ng maraming social media users ang video ng lola na sinurpresa sa kanyang kaarawan gamit ang isang cake na mayroong kakaibang klase ng kandila.

Image capture from Pinoy viral’s Facebook video

Sa video na ini-upload ng Pinoy viral sa Facebook, makikita ang clip kung saan sinindihan ang kandila sa birthday cake ng nagdiriwang ng kaarawan. Halatang nagandahan dito ang lola dahil tiningnan niya talaga ito nang mabuti habang kinakantahan siya ng Happy Birthday. Ganoon na lamang ang gulat nito at napahiyaw pa nang biglang bumukas ang kandila na para bang namukadkad na bulaklak at ang dating malaking apoy ay naging maliliit na sindi sa dulo ng bawat talulot.

Sa huli, ang pagkagulat ng matanda ay napalitan din ng pagtawa sa kakaibang surpresang natanggap niya sa kanyang espesyal na araw. Bukod sa kanya, libo-libong social media users din ang napasaya ng reaksyon ng lola.

“Ang kulit ni nanay. Hahaha! Happy birthday po, nanay! More birthdays to come and more cakes to blow. Hehehe. God bless po!” kumento ng Facebook user na si Marjo Arnox.

“Nakatutuwa si nanay, ilang beses ko pinanood. Bumata tuloy ako sa pagtawa, ang sarap tumawa e,” wika ni Maria Fe.

“Habang paulit-ulit mong pinapanood mas nagiging nakakatawa,” sabi naman ni Rei Daryl Cleto Batica.

Marami rin ang nagtanong kung saan nabibili ang kandila dahil tiyak daw na matutuwa rin ang kanilang susurpresahin.

Panoorin ang nakaaaliw na video na nakakuha na ng mahigit 87,000 shares, lampas 105,000 reactions, at halos 2.8 million views, as of posting:

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Source: Facebook

Loading…