‘Starla’: Ang pagbabalik ng ‘Queen of Philippine Soap Opera’ na si Judy Ann sa primetime

Image capture via Starla's trailer
  • Magbabalik na sa primetime ang tinaguriang “Queen of Philippine Soap Opera” na si Judy Ann “Juday” Santos
  • Sa YouTube, inilabas na ang full trailer ng bagong teleserye ni Juday na “Starla”
  • Bida-kontrabida ang role dito ng aktres na nakilala sa mga ganap bilang mahirap o inaapi

Magbabalik na sa primetime ang tinaguriang “Queen of Philippine Soap Opera” na si Judy Ann “Juday” Santos sa pamamagitan ng kanyang comeback teleserye na Starla.

Image capture via Starla’s trailer

Sa YouTube, inilabas na ang full trailer ng upcoming television series na kinatatampukan din nina Enzo Pelojero, Jana Agoncillo, Joel Torre, Raymart Santiago, Joem Bascon, Meryll Soriano, Tirso Cruz III, at Charo Santos.

“Mula sa tahanan ng mga minahal nating mga teleserye–May Bukas Pa, 100 Days To Heaven, Honesto, Nathaniel, at My Dear Heart…magniningning ang nag-iisang Ms. Judy Ann Santos sa #Starla dito sa ating ABS-CBN,” saad sa caption ng video na ini-upload ng ABS-CBN Entertainment. Ito ang unang bida-kontrabida role ng aktres na nakilala sa mga ganap bilang mahirap o inaapi.

Gagampanan ni Juday ang papel ni Teresa; isang businesswoman na pinatigas ng mga hindi magagandang nangyari sa kanya sa Barrio Maulap; na gugustuhin niyang makuha para ipakita kung gaano siya nagtagumpay sa buhay.

Ngunit hindi niya magagawang bilhin ang buong baryo dahil bigla itong makababawi sa krisis; dahil kay Starla (Jana Agoncillo), ang wishing star na tinutupad ang bawat hiling ng batang si Buboy (Enzo Pelojero).

Habang sinusubukang bilhin ang Barrio Maulap, makakatagpo ni Teresa ang amang si Greggy (Joel) na inakala niyang iniwan sila ng kanyang ina kung kailan nila ito kailangan. Ito na ba ang pangalawang pagkakataon nila o mananaig ang sama ng loob niya sa ama?

Image capture via Starla’s trailer

Excited ka na ba? Narito na ang full trailer ng Starla:

Loading…