Syrian vlogger na nasa Pinas, may magandang surpresa sa mga GrabFood drivers

Imahe mula sa The Hunger Syrian Wanderer Facebook page
  • Isang vlogger mula Syria ang kasalukuyang namamalagi dito sa Pilipinas upang gumawa ng mga video na nagtatampok sa pagtulong sa mga nangangailangan
  • Sa isa niyang video, may ginawang surpresa ang Syrian vlogger para sa mga driver ng GrabFood delivery
  • Ibinigay ng Syrian vlogger sa mga GrabFood drivers ang mga pagkain na kaniyang order at kanilang idineliver bilang “token of appreciation” sa kanilang ginagawang trabaho
Imahe mula sa The Hunger Syrian Wanderer Facebook page

Patok ngayon sa maraming Pinoy ang paggamit ng Grab application.

Ang mobile app na ito ay nagbibigay serbisyo para sa mga taong nangangailangan ng masasakyan, nais bumili ng pagkain, paghahatid ng mga dokumento, prepaid load para sa cell phone, at marami pang iba.

Sa pagsikat ng Grab ay ang pagtaas din ng dami ng mga naka-rehistrong drivers na sumasali dito.

At ang halos pinakamarami na nga ay ang mga GrabFood delivery drivers. Sila ay mga nakamotorsiklo at bumibili ng inorder na pagkain gamit ang Grab app sa mga partnered chain and fast food stores nila.

Kamakailan ay lumabas ang mga balita ng pagpa-prank sa mga GrabFood drivers ng mga customer na umoorder ng napakalaking halaga at hindi naman binabayaran o kaya ay kina-cancel.

Imahe mula sa The Hunger Syrian Wanderer Facebook page

Sadya nga namang nakakaawa ang ganitong pangyayari sa mga GrabFood drivers. Dagdag pa dito ang pagsuong nila sa init, ulan, at baha para lang makabili ng pagkain at maihatid sa kanilang mga customers.

Kaya naman upang magbigay-pugay at magpasalamat sa kanilang mga sakripisyo, naisipan ng vlogger na si Basel na kilala rin sa tawag na The Hungry Syrian Wanderer na sorpresahin ang mga GrabFood drivers.

Sa isa niyang vlog sa YouTube, itinampok ni Basel ang mga GrabFood drivers upang magbigay ng pagpapahalaga sa kanilang ginagawa at trabaho.

Imahe mula sa The Hunger Syrian Wanderer Facebook page

Sa kaniyang video, isinalaysay ng Syrian vlogger ang kaniyang pagkaawa sa mga GrabFood drivers na niloloko ng mga customers.

I really feel bad for them (GrabFood drivers), and for that I decided to do something good to make some drivers happy today,” ani ng Syrian sa kaniyang video.

I will be ordering a lot of food. I will be asking the drivers to deliver at my house. I am doing this because of the drivers. I feel bad for the drivers. I think that they should be rewarded,” dagdag pa niya.

Imahe mula sa The Hunger Syrian Wanderer Facebook page

Gamit ang Grab app, umorder ang vlogger ng mga pagkain, at pagkarating ng driver na nag-deliver nito, imbes na kunin ang pagkain ay ibinigay niya ang mga ito sa driver.

Bukod pa rito, pati na rin ang sukli sa ibinayad ng vlogger ay ibinigay din niya sa mga GrabFood drivers.

Thank you very much for your service. I want to do something. Alam ko yung trabaho mo mahirap. Laging mainit, minsan delikado. I want to give you a reward,” ani ni Basel sa mga GrabFood drivers.

Kilala rin si Basel sa iba pang mga video na nagtatampok sa ganda ng Pilipinas at kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan na Pinoy.

Panoorin ang nakakaantig na video dito:

Sources: Facebook, YouTube

 

Loading…