[Video] Pinoy na mala-Air Supply ang boses, hinangaan sa ‘Having You Near Me’ cover

Image capture via Warren Laban's video
  • Napa-wow ang maraming social media users sa  isang Pinoy na mala-Air Supply ang boses
  • Sa Facebook, may isang page na nag-reupload ng 2017 “Having You Near Me” cover ni Warren Laban
  • As of posting, nakakuha na ng libo-libong views, reactions, at shares ang video

Kung nakapikit ka o hindi nakatingin at may nagpatugtog ng cover ni Warren Laban ng isang Air Supply song, tiyak na magkakamali ka at maiisip mo na mismong ang sikat na iconic Australian soft rock band ang napakikinggan mo.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, hinangaan ng maraming netizens si Warren dahil sa mala-Air Supply niyang tinig. Ini-upload kasi kamakailan ng page na I Love MUSIC/jocelyn ang kanyang 2017 cover ng “Having You Near Me” — at namangha ang marami dahil parang katulad ng orihinal ang kanyang bersyon. Higit pa rito, makikita na parang wala lang sa kanya ang ginagawa niyang pagkanta-kanta pero napakahusay pa rin niya.

“Wooow, nakaka-good vibes! Keep on singing, Kuya!” saad ng Facebook user na si Loreen Tohusacam.

“Galing! Walang ka-effort-effort, Kuya. More music video pa,” kumento ni Sheryl Naval.

“Wow, Kuya, your voice. Naka-in love talaga ‘yong boses mo at ‘yong kinanta mo e paborito ko pa,” ani Charito Tampus.

Marami rin ang nagsabi na hindi dapat tumigil sa pagkanta si Warren dahil tunay na biniyayaan ito ng talento sa pag-awit. Mayroon din mga nang-engganyo sa kanya na sumali sa mga singing contest, lalo na sa mga patimpalak sa telebisyon, at tiyak daw na magiging isang bantog na mang-aawit ito.

Sa mga hindi nakakaalam, ilang beses nang hinangaan ng marami ang mga ini-upload na video ni Warren. Nagtatanghal din siya at naiimbitahang kumanta. Sa katunayan ay mayroon siyang social media pages, kung saan maaari siyang kontakin ng mga nais mag-imbita sa kanya.

Image via Warren Laban | Facebook

Pinasikat ng bandang Air Supply ang awiting “Having You Near Me”:

Narito naman ang lumalabang bersyon ni Warren Laban:

Suportahan ang talentado nating kababayan sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang Facebook page at pag-subscribe sa kanyang YouTube channel!

Loading…