[Videos] Alagang aso, ayaw bumaba sa bisikletang sinasakyan nila noon ng yumaong amo

Image capture via Lester Dela Torre and Jessie Rodriguez's Facebook video
  • Kilala sa kanilang lugar si Apung Boy at ang kanyang alagang aso na si Chuchu
  • Lagi nilang ginagawa ang kanilang espesyal na trick gamit ang bisikleta ni Apung Boy
  • Nang makita ni Chuchu si Apung Boy sa bur0l, sumakay na lamang ito sa bisikletang  nasa tabi nito

Masayang-masaya sa piling ng isa’t isa ang naiibang tandem nina Apung Boy at Chuchu sa isang lugar sa Tarlac; kung saan lagi nilang ginagawa ang espesyal na trick nila gamit ang bisikleta. Ngunit ang sayang ito sa kanilang simpleng buhay ay biglang nagwakas nang yuma0 ang matanda.

I-click ang imahe para mapanood ang videos.

Sa Facebook post nina Lester Dela Torre at Jessie Rodriguez, makikita ang mga video na sumasalamin sa pagmamahal nina Apung Boy at Chuchu sa isa’t isa.

Sa unang video, makikita kung gaano kasaya ang dalawa habang ginagawa ang kanilang special trick gamit ang bisikleta. Sanay na sanay na kasi si Chuchu na sumakay sa bisikletang ito ng kanyang amo. Kapag sinabing “sakay” ay agad ito tatalon para makasakay sa nasabing bisikleta. Dahil sa pagkabibo ni Chuchu, hindi lamang sila ni Apung Boy ang sumasaya sa tuwing ginagawa nila ito, kung hindi pati na rin ang mga tao sa kanilang lugar na gustong-gusto silang pinapanood.

Sa ibang videos naman ay makikita kung paano napalitan ng lungk0t ang masayang buhay ng dalawa. Kuwento ni Jessie, isang linggong nagpagala-gala ang aso nang ma0spital ang amo niya, hanggang sa muli nitong makita ang bike ng amo noong wala na ang matanda. Ang bisikleta ang naging daan para maihatid ang aso sa amo.

Nang makita ni Chuchu si Apung Boy sa bur0l nito ay nanatili na lamang nakasakay sa bisikleta ang alagang aso habang nasa tabi nito. Maririnig sa video na pinabababa na ito ng mga taong naroroon dahil hindi nga naman kumportable kung naroon lamang ito sa upuan ng bisikleta. Gayunman, hindi pa rin ito bumababa at waring nagbabantay lamang sa mahal na amo.

Image capture via Facebook

Ngayong wala na si Apung Boy, hangad ng kanyang mga kaanak na makuha si Chuchu upang maalagaan ito sa lugar nila sa Maynila. Sa isang separate post, sinabi ni Lester na nananawagan ang pamilya sa mga maaaring tumulong para madala ang aso sa kanila. As of posting, wala pang update kung may tutulong na ba sa mga kaanak ni Apung Boy.

Sources: Facebook, Facebook, Facebook

Loading…