[Viral video] Netizens, napa-“sana all” sa sweet moments ng isang simpleng couple

Image capture from Reggie Borero's Facebook video
  • Natuwa ang maraming netizens sa pagiging malambing sa isa’t isa ng isang simpleng couple
  • Kung titingnan ang dalawa, makikita na hindi sila gaanong pinalad kung yaman at estado sa buhay ang pag-uusapan
  • Gayunman, ipinakita nila na hindi hadlang ang katayuan at karangyaan para lumigaya nang tunay

Ipinakita ng isang simpleng couple na hindi hadlang ang kawalan ng karangyaan at ang magandang katayuan sa buhay para sumaya nang tunay.

Image capture from Reggie Borero’s Facebook video

Sa video na ini-upload ni Reggie Borero sa Facebook, makikita kung gaano kasaya habang nagkukuwentuhan at nagkukulitan ang isang sweet na couple. Kung titingnan ang dalawa, makikita na hindi sila gaanong pinalad kung yaman at estado sa buhay ang pag-uusapan. Gayunman, ipinakita nila na hindi hadlang ang katayuan at kakapusan sa karangyaan para lumigaya nang tunay ang dalawang taong nagmamahalan.

“Sana all. Kahit ganiyan ang buhay nila,” wika ng isa sa mga naroroon nang kuhanan ang video.

As of posting, nakakuha na ang video ng 11,000 reactions at 22,000 shares. Mayroon na rin itong libo-libong comments. May mga nagsabi na “sana all”; buti pa raw ang simpleng couple, may kasintahan at masaya sa piling ng isa’t isa. May mga nagkumento rin na kinilig sila sa dalawa. Samantala, marami rin ang nan-tag ng Facebook friends nila.

Kahanga-hanga naman talaga ang pagiging malambing at masaya ng simpleng couple sa isa’t isa; hindi alintana ang hirap sa araw-araw at nagagawa pa ring ngumiti, magsaya, at umibig, sa kabila ng lahat.

Narito ang video ng simple pero masayang couple:

I-click ang imahe para mapanood ang video

Source: Facebook

Loading…