Wow mali! ‘Tulog na bata’ sa supermarket, isa lamang palang poster

Image via Mark Miguel Flores | Facebook
  • Nagulat ang isang lalaki sa inakala niyang natutulog na bata sa supermarket
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Mark Miguel Flores ang mga litrato ng bata na ang totoo ay poster lang pala
  • Kinaaliwan ng maraming social media users ang nasabing post

Hindi ka na magugulat kung makakita ka ng mga bata sa isang supermarket. Posible rin naman kung makakita ka ng mga bata na nag-iisa at nahiwalay sa magulang na abala sa pamimili; bata na  patakbo-takbo, sumasakay sa cart, umuupo sahig, o nangungulit ng mga ibang bumibili.

Image via Mark Miguel Flores | Facebook

Kaya naman noong unang makita ng isang mamimili ang tila natutulog na bata, hindi na rin marahil nakapagtataka na inakala niyang isa ito tunay na bata na nakatulog sa isa sa mga lagayan ng produkto. Poster lang pala!

Sa Facebook, ibinahagi ni Mark Miguel Flores ang mga litrato ng poster ng natutulog na bata. Makikita rin sa mga larawan ang may kalakihang poster na ito at halos kasing laki talaga nito ang isang tunay na bata.

“Akala ko totoong bata na ‘yong natutulog hahaha!” natatawang saad ng social media user sa caption ng mga kuha niya.

Agad namang kinaaliwan ng maraming social media users ang mga larawang ini-upload ni Flores. As of posting, nakakuha na ng lampas 5,000 reactions at mahigit 17,000 shares ang nasabing Facebook post. Marami na rin ang nag-tag sa kanilang mga kaibigan at kakilala para ipakita ang isang naiibang eskenang nakuhanan sa litrato.

Samantala, marami rin sa mga nagko-comment ang nagulat nang makita ang mga “imahe” ng bata; na isa palang poster. Anila, inakala rin nila na ang nasabing poster ay totoong bata dahil sa laki at sa puwesto nito.

Ikaw, may mga masasaya, nakakatawa, at hindi malilimutang eksena ka na rin bang naranasan habang bumibili ng groceries? Ikuwento mo na iyan sa pamamagitan ng  comments section ng post na ito.

Image capture from Facebook

Source: Facebook

Loading…