90s memory: Ang kendi na nagparamdam sa iyo noon na kunwari matanda ka na

Images via Pixabay and 9gag.com
  • Popular sa mga batang 90s noon ang cigarette candies na mabibili sa halos lahat ng tindahan
  • Sa Facebook, ibinahagi ng isang user ang litrato ng patok na kendi noon sa mga bata
  • Maraming batang 90s ang nag-comment at nagsabing iniisip nila noon na matanda na sila kapag kumakain sila ng kendi na ito

Bagama’t karamihan sa mga nausong laruan at pagkaing pambata noong 1990s ay tuluyan nang nawala sa sirkulasyon, ang mga alaalang ibinigay nito sa mga bata noon ay hindi basta-basta mabubura sa paglipas ng panahon.

Image via Pixabay

Sa Facebook, ni-repost ng isang user ang litrato ng cigarette candies mula sa 9gag.com; isang post na kinaaliwan ng libo-libong netizens habang nagbabalik-tanaw sa mga sandali kung kailan iniisip nila na ito ang sukatan ng kanilang pagtanda.

Marami rin ang natawa sa pangalan nito na “Malbovo” — bagay na hindi lahat ng mga bata ay nakapansin noon. Bukod dito, mayroon pa raw itong ibang brand kaya kadalasan ay pinapipili pa ang mga bata kung alin ang kanilang gusto.

As of posting, nakakuha na ng libo-libong likes ang litrato at mayroon na rin itong lampas 46,000 shares.

Nakakatawang isipin, hindi ba, na maging ang pagpapanggap na matanda ay isa sa masasayang alaaala ng kabataan?

Ikaw, isa ka rin ba sa mga bumibili nito noon? Pakiramdam mo rin ba nasa edad ka na dahil nakabibili ka na rin ng katulad ng isang bagay na sa matatanda lamang ipinagbibili sa tindahan? Masaya ba ang karanasan ninyong magkakaibigan habang umaarte na parang hindi na mga bata?

Imahe mula sa Facebook | Citizen Services

O isa ka sa mga batang hindi pinayagan bumili nito dahil ayaw ng mga magulang mo maging sa kunwaring sigarily0?

Iba-iba man ang kuwento, masarap pa rin balikan ang kahapon; mga panahong simple lang ang ikot ng mundo.

Sources: Facebook  Facebook

Loading…