‘Abot mo ba ‘yong lupa?’ Mga pagpapagalingan sa bending noong araw, binalikan

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Isa ang “bending” sa mga usong-usong laro noong araw
  • Madalas magpagalingan rito noon ang mga bata, sa paaralan man o sa bakuran malapit sa kanilang tahanan; iyong tipong mayroon kabi-kabilang mga showdown
  • Dahil sa post ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon., bumalik ang maraming Facebook users sa panahon na ito ang itinuturing nilang “sport”

Sa paaralan man o sa bakuran, hindi maitatangging palaging mayroong paligsahan noon kung sino sa mga magkakaeskwela o magkakalaro ang pinakamagaling sa “bending”.

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Madalas magpagalingan sa larong ito ang mga bata noon; iyong tipong mayroon kabi-kabilang mga showdown at itinuturing nila itong bilang isang “sport”. Kaya naman noong nag-post ang Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon. tungkol dito ay agad na bumalik ang maraming netizens sa isa sa masasayang parte ng kanilang kahapon.

“Larong bending ang isa sa mga libangan mo noon. Kaya mo pa kayang gawin ito ngayon?” tanong ng admin ng page.

“Favorite ko ‘yan. Wish ko lang kung makaya ko pa,” tugon ng Facebook user na si Cherry Bragais Estrella.

“Isa ako sa mga adik na adik sa larong ‘to. Balud ang tawag nito sa ‘min. ‘Pag tapos na kami mag-Chinese garter, ito naman ang lalaruin namin ng nga pinsan ko ‘tsaka kaibigan. Matututo ka talaga nito kasi matatalo ka kapag hindi ka marunong,” pagbabahagi ni Michelle Calisura.

“Sa dance contest dati, at may pa-split-split pa. Impluwensya ng Sexb0mb Girls. Ngayon, mukhang makakalas na ako kapag ginawa ko ‘yang bending,” ani Ellen Ardeño Peniero.

“Noon, kaya ko abutin ang lupa bending backwards. Ngayon batok na lang kayang abutin,” sabi ni Ayel Cruz.

Image capture from Facebook

Ikaw, isa ka rin ba sa nawili sa larong bending? Nakipagtagisan ka rin ba ng galing sa iyong mga kamag-aral at kalaro? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Source: Facebook

Loading…