Anne Curtis: Stop asking women about pregnancy, getting married

Imahe mula kay Anne Curtis via Instagram
  • Nagkaroon ng press conference ang host na si Anne Curtis para sa nalalapit na 10th anniversary ng It’s Showtime
  • Sa press con, tinanong si Anne ng isang taga press tungkol sa kung kailan sila magkakaanak ng asawa nito na si Erwan Heussaff
  • Imbes na sagutin, humingi ng pabor si Anne sa press na itigil na ang pagtatanong sa mga kababaihan tulad niya tungkol sa kung kailan magpapakasal o magkakaroon ng anak
Imahe mula kay Anne Curtis via Instagram

#WomenEmpowerment – marami sa ngayon ang ipinaglalaban ang hashtag na ito.

Ang ‘women empowerment’ ay patungkol sa pagkakaroon ng mga kababaihan ng pantay na karapatan at pagturing ng lipunan tulad ng sa natatanggap ng mga kalalakihan.

Kung noong unang panahon ay limitado lamang ang mga galaw, mapapasukang trabaho, at masasabi ng mga kababaihan sa lipunan, ibang-iba na ito ngayon sa panahon ng modernisasyon.

Ang mga kababaihan ay pantay na ang karapatan sa mga kalalakihan, may mga trabaho na rin na panglalaki na ginagawa na ng mga babae, at hindi na limitado ang kanilang mga galaw.

Imahe mula kay Anne Curtis via Instagram

Kung tutuusin, ang natatanging kakayahan ng mga babae na wala sa kalalakihan ay ang kakayahan nilang magdala sa sinapupunan ng anak sa loob ng siyam na buwan. Noon pa man, marami nang mga kababaihan ang nangangarap na magkaroon ng anak at ng sariling pamilya.

Ngunit sa panahon ngayon, may mga kababaihan na rin ang naninindigan sa kanilang plano na hindi pagkakaroon ng anak. O ‘di kaya naman ay walang balak na magpakasal at mag-asawa.

At ayon sa aktres na si Anne Curtis, normal lamang ang ganitong desisyon sa mga kababaihan at dapat pa rin silang irespeto at huwag pilitin sa mga bagay na nakatradisyon nang gawin ng isang babae.

Sa press conference ng nalalapit na 10th anniversary ng noontime show na It’s Showtime, kasama ang host na si Anne sa mga dumalo sa presscon.

Imahe mula kay Anne Curtis via Instagram

Sa isang interview, tinanong si Anne kung kailan nila planong magkaroon ng anak ng kaniyang asawa na si Erwan Heussaff.

I think I should take this opportunity [to say] that the press should stop asking that to any woman, because you don’t know what they’re going through,” ani Anne.

For me, it will happen in God’s time, and I think at any time I’m ready for it,” dagdag pa ng It’s Showtime host.

Imahe mula kay Anne Curtis via Instagram

Ang komentong iyon ayon kay Anne ay hindi lang para sa kaniya kundi para na rin sa mga kababaihan na parating tinatanong kung kailan sila magkakaasawa o magkakaanak.

Kuwento rin niya, “I have a lot of friends who may be trying, and medyo nakakasakit when people keep asking them, ‘When are you going to have a baby?’ Maybe they just don’t want to have a baby.”

Hiniling din ni Anne sa press na huwag masamain ang komento niyang iyon.

I think in respect to every woman, you should stop asking when they’re going to get married, why don’t they have a baby, or when they are going to have a baby,” aniya.

Ikinasal sina Anne at Erwan noong 2017 at ngayon ay 34 anyos na ang aktres.

Sources: ABS-CBN News, Pep, Cosmopolitan

Loading…