Bagong Darna na si Jane, itinuturing na ate si ‘Revenge Drama Queen’ Maja

Image via Jane De Leon | Instagram
  • Itinuturing na ate ng bagong Darna na si Jane De Leon si Revenge Drama Queen Maja Salvador
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Jane ang larawan nila ni Maja habang magkayakap
  • Marami ang natuwa sa larawang ini-upload ni Jane na nakakuha na ng lampas 129,000 na favorites, as of posting

Isang nakatatandang kapatid daw kung ituring ng gaganap bilang bagong Darna na si Jane De Leon ang tinaguriang Revenge Drama Queen na si Maja Salvador.

Image capture from Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Jane ang larawan nila ng kanyang “ate” na si Maja habang magkayakap. Sa litrato pa lang ay makikita na kung gaano kalapit ang dalawa sa isa’t isa. Saad ni Jane sa caption ng photo, “My ateeeee! Love this person!”

Ikinatuwa ng mga fans nila ang nasabing Instagram picture na nakakuha na ng lampas 129,000 favorites, as of posting.

“So sweet. Thank you, Darna, for loving our majesty!” kumento ng fan ni Maja na si @iamlykaloren.

“Napaka-gorgeous n’yo po dalawa,” sabi ni @angtuddarlanne.

“Both gorgeous inside and out!” wika naman ni @miasandoval2016.

May mga nagtanong din kung teaser ba ito na makakasama ni Jane ang kanyang ate sa showbiz na si Maja sa pelikulang Darna. May mga umaasa na si Maja ang gaganap bilang ang iconic kontrabida ni Darna na si Valentina.

Kamakailan ay inanunsyo na si Jane ang gaganap na susunod na Darna. Masayang-masaya si Jane dahil bukod sa malaking project ito at siya ang napili mula sa mahigit 200 na nag-audition nationwide, bata pa lamang daw ay fan na siya ng iconic superheroine ng Pilipinas na ilang sikat na artista na rin ang gumanap sa paglipas ng mga taon.

Image via Jane De Leon | Instagram

“I can surrender all for her, for that character po. ‘Yong desire pati ‘yong heart ko po talaga, naroon po talaga kay Darna. Grade One po ako noon, naalala ko po bibili pa po ako sa palengke ng parang paper lang na ano ni Darna. Ta’s pupunta ako sa school, ta’s sabi ko, ‘Ako si Darna.’ Ganiyan,” aniya.

Panoorin ang tagpo kung kailan sinabi kay Jane na siya ang gaganap bilang susunod na Darna:

Sources: Instagram, YouTube, YouTube

Loading…