Balik-tanaw: Ang legendary movie queen at ‘Elizabeth Taylor of PH’ na si Amalia Fuentes

Images via Alfonso Martinez and Kokuryu Cosmetics | Facebook/Youtube
  • Isa si Amalia Fuentes sa mga pinakamagaganda, pinakatalentado, at pinakamaningning na bituin ng kanyang panahon
  • Una siyang nakilala sa Movie Fan (1956) at huling lumabas sa Huwag Ka Lang Mawawala (2013)
  • Si Amalia ang ina ng aktes na si Anna-Lisa “Liezl” Martinez

Isa ang tinaguriang “Elizabeth Taylor of the Philippines”, ang legendary movie queen na si Amalia Fuentes, sa mga pinakamaganda, pinakatalentado, at pinakamaniningning na bituin ng kanyang panahon.

Image via Amalia Muhlach | Facebook

Nagsimula noong taong 1956 sa pelikulang Movie Fan, napakaraming nagawang proyekto ni Amalia; kabilang na ang Esperanza at Caridad (1963), Sapagkat Ikaw Ay Akin (1965), O! Pagsintang Labis (1967), Mga Batong Buhay (1970), Pag-ibig Mo, Buhay Ko (1973), Ang Boyfriend Kong Baduy (1976), Paano Ba Ang Magmahal? (1984), Reputasyon (1996), Kahit Isang Saglit (2008), at iba pa.

Bukod sa pagiging bahagi ng napakaraming pelikula, manunulat, direktor, at producer din ang tinatawag na “The Philippine Movie Queen”. Siya ang sumulat ng screenplay para sa pelikulang Tatlong Kasaysayan Ng Pag-ibig (1966) at Ito Ang Aming Kasunduan (1973); habang siya mismo ang nagdirehe ng movie niya na Reynang Walang Trono (1976).

At bilang may-ari ng AM (Amalia Muhlach) Productions, siya ang producer sa likod ng Whisper to the Wind (1966), Baril at Rosaryo (1967),  Pwede Ako Pwede Ka Pa Ba? (1976), at iba pa.

Naging isa ring sikat na modelo si Amalia. Sa katunayan, siya ang unang Pilipinong modelo ng Lux.

Image via Video 48

Ikinasal si Amalia sa isa pang Pinoy movie icon na si Romeo Vasquez noong 1965 at naging bunga ng pagmamahalan nila ang dating child wonder at aktres na si Anna-Lisa “Liezl” Martinez, bagama’t naghiwalay din ang mag-asawa noong 1969.

Image via Amalia Muhlach | Facebook

Taong 2013 nang gawin ni Amalia ang kanyang huling pelikula na Huwag Ka Lang Mawawala. Nitong Oktubre 5, 2019, yuma0 ang beteranang aktres sa edad na 79 matapos nitong maging bedridden sa loob ng apat na taon dahil sa kanyang karamdaman.

Image capture from Facebook

Balikan ang isa sa mga classic commercial na ginawa ni Amalia Fuentes:

Sources: IMDb, Wikipedia, Facebook, YouTube

Loading…